Mga Hebreo 9
Ang Biblia (1978)
9 Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang (A)santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.
2 Sapagka't (B)inihanda ang isang tabernakulo, ang una, (C)na kinaroroonan ng (D)kandelero, at (E)ng dulang, at (F)ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal.
3 At sa likod ng ikalawang tabing (G)ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan;
4 Na may isang (H)gintong dambana ng kamangyan at (I)kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto (J)na may lamang mana, at tungkod (K)ni Aaron na namulaklak, at (L)mga tapyas na bato ng tipan;
5 At sa ibabaw nito ay (M)ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa (N)luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa.
6 At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok (O)ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan;
7 Datapuwa't sa (P)ikalawa ay pumapasok na (Q)nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:
8 Na ipinakikilala (R)ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag (S)ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo;
9 Na yao'y isang (T)talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, (U)na hindi magpapasakdal sa sumasamba,
10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na (V)ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga (W)pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).
11 Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote (X)ng mabubuting bagay na darating, (Y)sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi (Z)gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito,
12 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng (AA)kaniyang sariling dugo, ay pumasok na (AB)minsan magpakailan man sa (AC)dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.
13 Sapagka't (AD)kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at (AE)ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:
14 Gaano pa kaya (AF)ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay (AG)maglilinis ng inyong budhi (AH)sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?
15 At dahil dito'y siya ang (AI)tagapamagitan ng isang (AJ)bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, (AK)ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.
16 Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.
17 Sapagka't (AL)ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.
18 Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.
19 Sapagka't (AM)nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng (AN)mga bulong baka at ng mga kambing, (AO)na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan,
20 Na sinasabi, Ito (AP)ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.
21 Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay (AQ)pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.
22 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at (AR)maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.
23 Kinakailangan nga na (AS)ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.
24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (AT)ng tunay; kundi (AU)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (AV)dahil sa atin:
25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (AW)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (AX)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;
26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (AY)minsan siya'y nahayag (AZ)sa katapusan ng mga panahon (BA)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.
27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (BB)upang dalhin ang mga kasalanan (BC)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (BD)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978