Mga Hebreo 9:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Simbolo lamang ang mga iyon na tumutukoy sa kasalukuyang panahon. Ang mga kaloob at mga handog na iniaalay ay hindi nakakapagpalinis ng budhi ng mga sumasamba roon. 10 Ang paglilinis nila'y nauukol lamang sa pagkain at inumin at sa iba't ibang uri ng paglilinis, mga alituntuning panlabas lamang, na iiral hanggang sa baguhin ng Diyos ang lahat ng bagay.
11 Ngunit dumating[a] na si Cristo, ang Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na narito na. At siya'y naglilingkod doon sa sambahang higit na dakila, walang katulad at hindi ginawa ng tao. Ang sambahang iyon ay wala sa sanlibutang ito.
Read full chapterFootnotes
- 11 dumating: Sa ibang manuskrito'y parating na .
Mga Hebreo 9:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Sumasagisag ito sa kasalukuyang panahon, na nagpapakita na ang mga kaloob at ang mga alay na ihinahandog ay hindi makapaglilinis sa budhi ng sumasamba. 10 Ang mga ito ay tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang uri ng seremonya ng paglilinis,[a] mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay.
11 Ngunit nang dumating si Cristo bilang Kataas-taasang Pari ng mabubuting bagay na dumating na, pumasok siya sa mas dakila at mas sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi bahagi ng sangnilikhang ito.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 9:10 paglilinis: Sa Griyego, bautismo.
Mga Hebreo 9:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Iyon ay isang sagisag[a] ng panahong kasalukuyan, na sa panahong yaon ang mga kaloob at ang mga alay na inihahandog ay hindi makapagpapasakdal sa budhi ng sumasamba,
10 kundi tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang paghuhugas, na mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang sa ang panahon ay dumating upang maisaayos ang mga bagay.
11 Ngunit nang dumating si Cristo na Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na darating,[b] sa pamamagitan ng lalong dakila at lalong sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi sa sangnilikhang ito,
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 9:9 Sa Griyego ay talinghaga .
- Mga Hebreo 9:11 Sa ibang mga kasulatan ay dumating .
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
