Add parallel Print Page Options

Kaya't iwan na natin ang mga panimulang aralin tungkol kay Cristo at magpatuloy tayo sa mga aral na para sa mga may sapat na gulang na. Tigilan na natin ang muling paglalagay ng pundasyon tungkol sa pagtalikod sa mga gawang walang kabuluhan at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, tungkol sa mga iba't ibang seremonya ng paglilinis at pagpapatong ng mga kamay, at tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay at sa hatol na walang hanggan. Magpatuloy nga tayo; at iyan ang gagawin natin kung loloobin ng Diyos.

Sapagkat paano pang panunumbalikin upang magsisi ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat ng ito, hindi na sila maaaring panumbalikin upang magsisi sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.

Sapagkat pinagpapala ng Diyos ang lupang pagkatapos tumanggap ng masaganang ulan ay sinisibulan ng halamang pinapakinabangan ng mga magsasaka. Subalit(A) kung mga damo at halamang matitinik ang tumutubo doon, walang kabuluhan ang lupang iyon at nanganganib pang sumpain ng Diyos at tupukin sa apoy.

Mga minamahal, kahit ganito ang sinasabi namin, natitiyak namin na nasa mas mabuti kayong kalagayan patungkol sa inyong kaligtasan. 10 Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos. 11 Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan. 12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Tiyak ang Pangako ng Diyos

13 Nang mangako kay Abraham ang Diyos, siya'y nanumpa sa kanyang sariling pangalan, yamang wala nang hihigit pa sa kanya na maaari niyang panumpaan. 14 Sinabi(B) niya, “Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at pararamihin ko ang iyong lahi.” 15 Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap niya ang ipinangako sa kanya. 16 Nanunumpa ang mga tao sa pangalan ng isang nakakahigit sa kanila, at sa pamamagitan ng panunumpa ay pinapagtibay ang usapan. 17 Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin. 18 Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. 19 Ang(C) pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan. 20 Si(D) Jesus ay naunang pumasok doon alang-alang sa atin, at naging Pinakapunong Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

En moden tro

La oss derfor slippe å gjenta det første vi måtte lære om Jesus Kristus. Det er tid til å gå videre til den undervisningen som passer for de mer modne. Vi vil ikke på nytt begynne fra begynnelsen med å undervise om elementære grunnsetninger som: At de skal forlate sine onde handlinger og tro på Gud. At de skal la seg døpe til fellesskap med Kristus. At de troende skal be og legge hendene på den døpte.[a] At dere er kjent med at de døde skal stå opp igjen. At alle som ikke tror på Gud, skal få evig straff. La oss nå gå videre i vår undervisning, dersom Gud tillater det.

Advarsel mot å forlate Jesus Kristus

4-6 De personene som har forlatt troen på Jesus Kristus, kan vi ikke få til å vende tilbake. Nei, dersom de en gang har tatt imot det sanne budskapet, fått del i Guds gave og Ånd, fattet hvor godt Guds budskap er og opplevd kreftene i den kommende verden, men likevel forlater Kristus, da kan vi ikke få dem til å vende tilbake. Ved det de gjør, spikrer de på nytt Guds sønn til korset og vil latterliggjøre hans vei til korset.

Et troende menneske er som en åker. Dersom åkeren suger til seg regnet som faller og gir bonden god avling, da vil Gud være god mot den. Men dersom åkeren bare gir tistler og tornekratt, da er den verdiløs, og risken er stor for at Gud en dag forkaster åkeren og svir den av.

Nå tror vi ikke, kjære venner, at det er så dårlig stelt med dere, selv om vi snakker på denne måten. Tvert imot er vi sikre på at dere er på vei til å bli frelst for evig. 10 Gud er ikke urettferdig, men husker hvor hardt dere har arbeidet for ham. Han ser hvor mye dere elsker ham, etter som dere stadig hjelper dem som tilhører Gud. 11 Fortsett derfor å gjøre alt dette med den samme iver, slik at Gud en dag kan oppfylle håpet deres og frelse dere for evig. 12 Vær ikke late og likegyldige, men ta som ideal dem som gjennom tro og tålmodighet får del i alt det gode Gud har lovet.

Gud holder løftene sine

13 En av de som fikk et slikt løfte fra Gud, var Abraham. Gud sverget ved seg selv, etter som det ikke var noen høyere å sverge ved. 14 Han sa: ”Jeg vil gi deg av alt det gode som er mitt og la dine etterkommere bli så mange at ingen kan telle dem.”[b] 15 Abraham ventet med stor tålmodighet og fikk til slutt en sønn, slik Gud hadde lovet.

16 Også menneskene kan sverge sine eder. De tar Gud til vitne på at det de sier er sant, slik at det blir slutt på alle diskusjoner. 17 Da Gud ga løftet sitt, sverget han en ed. Med det ville han vise dem som fikk løftet, at det var et løfte han aldri kunne tenkte seg å ta tilbake. 18 Gud har gitt oss både løftet og eden sin. Disse to bekreftelsene står fast, etter som Gud aldri kan lyve. De er en sterk oppmuntring til oss som håper på Gud og stoler på at han en dag vil innfri løftet og frelse oss for evig.

19 Dette håpet om at sjelene til slutt skal bli frelst for evig, er som et solid anker som sitter urokkelig fast hos Gud selv, innenfor forhenget til Det aller helligste[c] i himmelen. 20 Forhenget ble spjæret i to deler da Jesus døde på korset.[d] Gjennom det åpnet han veien til Gud for oss, og ble øversteprest for evig, akkurat som Melkisedek.

Footnotes

  1. 6:2 På gresk: læren om dåp og håndspålegging. Ordet dåp står i flertall. Undervisningen handlet altså om forskjellen mellom forskjellige jødiske seremonier for å bli renset og dåpen sammen med Jesus Kristus. Handspåleggingen handlet om at de troende la hendene på de døpte for at de skulle få Guds Ånd. Se Apostlenes gjerninger – historien om de første troende 19:5,6. Men de la også hendene på folk da de ba for syke, eller da noen skulle innvies til en oppgave i menigheten.
  2. 6:14 Se Første Mosebok 22:17.
  3. 6:19 ”Det aller helligste” var et rom lengst inn i templet, stedet for Guds nærvær. Framfor det rommet hang et forheng, og den eneste som fikk gå inn dit, var øverstepresten, da han en gang om året ofret blod for at folket skulle få syndene sine tilgitt. For en nærmere beskrivning, se 9:2-5.
  4. 6:20 Se Matteus sin fortelling om Jesus 27:50-51, der det blir omtalt hvordan forhenget i templet i Jerusalem brast i to deler da Jesus døde.

Kaya't tayo'y magpatuloy tungo sa pagiging sakdal at huwag manatili lamang sa mga panimulang aralin tungkol kay Cristo. Huwag nang muling ilagay ang saligan tungkol sa pagtalikod mula sa mga patay na gawa at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, o kaya’y aralin tungkol sa mga bautismo,[a] pagpapatong ng mga kamay, muling pagkabuhay ng mga patay, at walang hanggang kaparusahan. At gagawin natin ito, kung ipahihintulot ng Diyos. Sapagkat ang mga taong dati nang naliwanagan, mga nakalasap ng makalangit na kaloob, at mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu, silang nakalasap ng kabutihan ng salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, kapag tumalikod ay imposible nang panumbalikin sa pagsisisi, sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalagay sa kahihiyan ang Anak ng Diyos. Sapagkat tumatanggap ng pagpapala sa Diyos ang lupang umiinom ng ulang madalas na pumapatak dito at tinutubuan ng mga halamang pinakikinabangan ng mga bumungkal. Subalit (A) walang saysay ang lupang tinutubuan ng mga tinik at dawag. Nanganganib itong sumpain at ang wakas nito ay ang tupukin.

Ngunit, mga minamahal, bagaman ganito ang sinasabi namin, naniniwala naman kami na kayo at ang tungkol sa inyong kaligtasan ay nasa mas mabuting kalagayan. 10 Sapagkat makatarungan ang Diyos; hindi niya kalilimutan ang inyong ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita sa paglilingkod ninyo sa mga banal alang-alang sa kanyang pangalan. Ito ay patuloy ninyong ginagawa hanggang ngayon. 11 Ninanais namin na bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding sigasig hanggang wakas upang malaman ninyo ang ganap na katiyakan ng pag-asa. 12 Huwag kayong maging tamad, sa halip ay tularan ang mga taong nagmamana ng mga pangako sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis.

Ang Katiyakan ng Pangako ng Diyos

13 Nang mangako ang Diyos kay Abraham, nanumpa ang Diyos sa kanyang sarili dahil wala na siyang panunumpaan na higit pa sa kanya. 14 Sinabi (B) niya, “Tinitiyak ko na lubos kitang pagpapalain at ang iyong lahi ay aking pararamihin.” 15 Kaya't pagkatapos ng matiyagang paghihintay, tinanggap ni Abraham ang ipinangako. 16 Nanunumpa ang mga tao sa harap ng higit na mataas sa kanila, at ang sumpang binitawan bilang katibayan ay nagpapatibay sa bawat usapin. 17 Kaya, noong ninais ng Diyos na ipakita sa mga tagapagmana ng pangako na hindi maaaring mabago ang kanyang layunin, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang sumpa. 18 Hindi maaaring magsinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. At dahil sa dalawang bagay na ito na di-mababago, tayong nakatagpo ng kanlungan ay magkaroon ng lakas ng loob na panghawakan ang pag-asang nasa ating harapan. 19 Taglay (C) natin ang pag-asang ito bilang tiyak at matibay na angkla ng ating kaluluwa, isang pag-asa na umaabot sa Kabanal-banalang Dako sa kabila ng tabing ng Templo. 20 Doon (D) ay nauna nang pumasok si Jesus alang-alang sa atin, yamang siya’y naging Kataas-taasang Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedek.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 6:2 o paghuhugas.