Add parallel Print Page Options

Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus;

Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya.

Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.

Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.

At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos;

Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,

Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,

Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.

10 Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;

11 Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:

13 Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan:

14 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:

15 Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.

16 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises?

17 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang?

18 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?

19 At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

Higit na Dakila si Jesus kay Moises

Kaya, mga kapatid kong banal, mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag, isaalang-alang ninyo si Jesus, ang Apostol at Kataas-taasang Pari ng ating ipinapahayag. Tapat (A) siya sa nagtalaga sa kanya, gaya ni Moises na tapat sa buong sambahayan ng Diyos. Sapagkat si Jesus ay itinuring na karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian kaysa kay Moises, yamang ang nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa sa bahay. Sapagkat ang bawat bahay ay may nagtayo, subalit ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos. Si Moises, bilang lingkod ng buong sambahayan ng Diyos, ay naging tapat upang magpatotoo sa mga bagay na sasabihin. Subalit si Cristo, bilang isang anak ay tapat sa sambahayan ng Diyos, at tayo ang sambahayang iyon, kung ating iingatang matibay hanggang sa katapusan ang pagtitiwala at pagmamalaki natin dahil sa ating pag-asa.

Kapahingahan para sa Bayan ng Diyos

Kaya't (B) gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu,

“Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso tulad noong sila’y naghimagsik,
    noong araw na sila’y subukin sa ilang,
kung saan sinubok ako ng inyong mga magulang,
    bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng

10 apatnapung taon.

Kaya't nagalit ako sa lahing ito,
at aking sinabi, ‘Ang puso nila'y laging lumalayo sa akin,
    at ang mga daan ko'y ayaw nilang alamin.’
11 Kaya sa aking galit ay isinumpa ko,
‘Hindi sila papasok sa kapahingahang ibibigay ko.’ ”

12 Mga kapatid, mag-ingat kayo, baka mayroon sa inyo na magkaroon ng pusong masama at walang pananampalataya, na ito’y naglalayo sa buháy na Diyos. 13 Palakasin ninyo ang loob ng isa't isa araw-araw, habang matatawag pa itong “araw na ito,” baka sinuman sa inyo ay patigasin ng pandaraya ng kasalanan. 14 Sapagkat tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung matatag nating panghahawakan hanggang katapusan ang pagtitiwalang ipinakita natin noong una pa man. 15 Gaya (C) ng sinasabi,

“Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong sila’y naghimagsik.”

16 Sapagkat (D) sino ba ang mga naghimagsik bagaman sila’y nakarinig? Hindi ba silang lahat na umalis sa Ehipto sa pangunguna ni Moises? 17 Kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba sa mga nagkasala na ang mga bangkay ay kumalat sa ilang? 18 At sino ba ang tinukoy niya noong siya’y sumumpa na sila’y hindi makakapasok sa kanyang kapahingahan? Hindi ba't ang mga matitigas ang ulo? 19 Kaya't nakikita natin na hindi sila nakapasok dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.

Higit na Dakila kay Moises

Kaya, mga banal na kapatid, mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag, isaalang-alang ninyo na si Jesus, ang Apostol at Pinakapunong Pari ng ating pagpapahayag,

ay(A) tapat sa nagtalaga sa kanya, gaya ni Moises na tapat sa buong sambahayan ng Diyos.[a]

Sapagkat siya ay itinuring na karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian kaysa kay Moises, yamang ang nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa bahay.

Sapagkat ang bawat bahay ay may nagtayo, subalit ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos.

At si Moises ay naging tapat sa buong sambahayan ng Diyos[b] gaya ng isang lingkod, bilang patotoo sa mga bagay na sasabihin.

Subalit si Cristo ay tapat sa bahay ng Diyos,[c] bilang isang anak, at tayo ang bahay na iyon kung ating iingatang matibay hanggang sa katapusan ang ating pagtitiwala at pagmamalaki sa ating pag-asa.

Kapahingahan para sa Bayan ng Diyos

Kaya't(B) gaya ng sinasabi ng Espiritu Santo,

“Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso gaya ng sa paghihimagsik,
    gaya ng sa araw ng pagsubok sa ilang,
na doon ay sinubok ako ng inyong mga ninuno,
    bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng

10 apatnapung taon.

Kaya't nagalit ako sa lahing ito,
at aking sinabi, ‘Sila'y laging naliligaw sa kanilang puso,
    at hindi nila nalaman ang aking mga daan.’
11 Gaya ng sa aking galit ay aking isinumpa,
‘Hindi sila papasok sa aking kapahingahan.’”

12 Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang sinuman sa inyo ang may pusong masama at walang pananampalataya na naglalayo sa buháy na Diyos.

13 Ngunit magpayuhan kayo sa isa't isa araw-araw, habang ito ay tinatawag na “ngayon,” upang walang sinuman sa inyo ang papagmatigasin ng pagiging madaya ng kasalanan.

14 Sapagkat tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo kung ating hinahawakang matatag ang pasimula ng ating pagtitiwala hanggang sa katapusan.

15 Gaya(C) ng sinasabi,

“Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa paghihimagsik.”

16 Sinu-sino(D) ba sila na matapos makarinig ay naghimagsik? Hindi ba ang lahat ng umalis sa Ehipto sa pamamagitan ni Moises?

17 Ngunit kanino siya galit nang apatnapung taon? Hindi ba sa mga nagkasala, na ang mga katawan ay nabuwal sa ilang?

18 At kanino siya sumumpa na hindi sila makakapasok sa kanyang kapahingahan, kung hindi sa mga sumuway?

19 Kaya't nakikita natin na sila'y hindi nakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 3:2 Sa Griyego ay niya .
  2. Mga Hebreo 3:5 Sa Griyego ay niya .
  3. Mga Hebreo 3:6 Sa Griyego ay niya .

Si Jesus ay Higit na Mahalaga Kaysa kay Moises

Kaya nga, mga banal na kapatid, kayong kabahagi sa tawag na makalangit, magtuon kayo ng inyong pag-iisip kay Jesus na siyang apostol at pinakapunong-saserdote na aming ipinahahayag.

Kung paanong si Moises ay matapat sa lahat ng sambahayan ng Diyos ay gayundin naman si Jesus ay tapat sa nagsugo sa kaniya. Sapagkat nasum­pungan siyang higit na karapat-dapat na parangalan kaysa kay Moises. Katulad din naman sa nagtayo ng bahay, ay dapat na higit na parangalan kaysa sa bahay. Sapagkat may gumagawa ng bawat bahay ngunit ang Diyos ang gumagawa ng lahat ng bagay. At si Moises ay totoong naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, bilang patotoo sa mga bagay na sasabihin pa lamang. Ngunit si Jesus ay ang anak na namamahala sa kaniyang bahay at ang bahay na ito ay tayo, kapag mananangan tayong may katatagan hanggang sa katapusan sa katiyakan at sa magpapapuri ng ating pag-asa.

Babala Laban sa Hindi Pananampalataya

Iyan ang dahilan kaya sinabi ng Banal na Espiritu:

Ngayon, kung inyong marinig ang kaniyang tinig,

huwag ninyong pagmatigasin ang inyong mga puso, gaya ng inyong ginawa nang kayo ay maghimagsik, noong panahon nang kayo ay sinubok sa ilang. Doon ako ay tinukso at sinubok ng inyong mga ninuno at nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng apatnapung taon. 10 Kaya nga, ako ay nagalit sa lahing iyan. At aking sinabi: Ang kanilang mga puso ay laging naliligaw at hindi nila nalaman ang aking daan. 11 Kaya nga, sa aking pagkapoot, sumumpa ako: Hindi sila makaka­pasok sa lugar ng kapahingahan na aking inihanda.

12 Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang isa man sa inyo na may masamang puso na hindi sumasampalataya na magpapa­layo sa inyo sa buhay na Diyos. 13 Ngunit samantalang ito ay tinatawag na ngayon, hikayatin ninyong may kata­patan araw araw ang isa’t isa upang hindi patigasin ng daya ng kasalanan ang puso ng sinuman sa inyo. 14 Sapagkat tayo ay naging mga kabahagi ni Cristo kung ang pagtitiwalang natamo natin sa pasimula pa ay pananatilihin nating matatag hanggang sa katapusan. 15 Katulad ng sinabi ng mga kasulatan:

Ngayon, kung inyong marinig ang kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso na inyong ginawa nang kayo ay maghi­magsik.

16 Sapagkat ang ilang nakarinig ay naghimagsik. Ngunit hindi naghimagsik ang lahat ng inilabas ni Moises mula sa Egipto. 17 At kanino siya nagalit sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba doon sa mga nagkasala at ang kanilang mga katawan ay nabuwal sa ilang? 18 At sa kanino siya sumumpa na hindi sila makapasok sa kaniyang kapahingahan? Hindi ba sa kanila na mga sumuway? 19 Kaya nga, nakikita natin na dahilhindi sila sumasampalataya, hindi sila nakapasok sa kapa­hingahan.