Mga Hebreo 10
Magandang Balita Biblia
10 Ang Kautusan ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon. 2 Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli. 3 Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon, 4 sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan.
5-6 Dahil(A) diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos:
“Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog,
at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan.
Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.
7 Kaya't sinabi ko, ‘Ako'y narito, O Diyos,
upang sundin ang iyong kalooban,’
ayon sa sinasabi ng kasulatan tungkol sa akin.”
8 Sinabi muna niya, “Hindi mo ninais o kinalugdan ang mga alay at handog na hayop, mga handog na susunugin, at mga handog dahil sa kasalanan” kahit ito'y inihahandog ayon sa Kautusan. 9 Saka niya idinugtong, “Ako'y narito upang sundin ang iyong kalooban.” Sa ganitong paraan, inalis nga ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Cristo. 10 At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos, tayo ay ginawang banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanang paghahandog ng kanyang sarili, at iyon ay sapat na.
11 Bawat(B) pari ay naglilingkod araw-araw at paulit-ulit na naghahandog ng pare-pareho ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. 12 Ngunit(C) si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at iyo'y sapat na. Pagkatapos ay umupo siya sa kanan ng Diyos. 13 Ngayo'y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. 14 Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga nililinis
ng Diyos.
15 Ang Espiritu Santo'y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Sinabi niya,
16 “Ganito(D) ang gagawin kong tipan sa kanila
pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos,
at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.”
17 Pagkatapos(E) ay sinabi pa niya, “Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.” 18 Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
Lumapit Tayo sa Diyos
19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't(F) lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon. 26 Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Ang(G) naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28 Ang(H) mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay. 29 Gaano(I) kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu? 30 Sapagkat(J) kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.” 31 Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!
32 Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33 Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na pinapahirapan nang gayon. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo. 35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37 Sapagkat,(K)
“Kaunting panahon na lamang,
hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na.
38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,[a]
ngunit kung siya'y tatalikod,
hindi ko siya kalulugdan.”
39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga may pananampalataya at naliligtas.
Footnotes
- Mga Hebreo 10:38 Ang matuwid…pananampalataya: o kaya'y Ang taong tinatanggap ng Diyos dahil sa pananampalataya ay mabubuhay .
Hébreux 10
Nouvelle Edition de Genève – NEG1979
10 En effet, la loi qui possède une ombre des biens à venir, et non l’exacte représentation des choses, ne peut jamais, par les mêmes sacrifices qu’on offre perpétuellement chaque année, amener les assistants à la perfection. 2 Autrement, n’aurait-on pas cessé de les offrir, puisque ceux qui rendent ce culte, étant une fois purifiés, n’auraient plus eu aucune conscience de leurs péchés? 3 Mais le souvenir des péchés est renouvelé chaque année par ces sacrifices; 4 car il est impossible que le sang des taureaux et des boucs ôte les péchés. 5 C’est pourquoi Christ, entrant dans le monde, dit:
Tu n’as voulu ni sacrifice ni offrande,
Mais tu m’as formé un corps;
6 Tu n’as agréé ni holocaustes ni sacrifices pour le péché.
7 Alors j’ai dit: Voici, je viens
(Dans le rouleau du livre il est question de moi)
Pour faire, ô Dieu, ta volonté[a].
8 Après avoir dit d’abord:
Tu n’as voulu et tu n’as agréé ni sacrifices ni offrandes,
Ni holocaustes ni sacrifices pour le péché
9 (ce qu’on offre selon la loi), il dit ensuite:
Voici, je viens pour faire ta volonté.
Il supprime[b] ainsi la première chose pour établir la seconde. 10 C’est en vertu de cette volonté que nous sommes sanctifiés, par l’offrande du corps de Jésus-Christ, une fois pour toutes.
11 Et tandis que tout sacrificateur fait chaque jour le service et offre souvent les mêmes sacrifices, qui ne peuvent jamais ôter les péchés, 12 lui, après avoir offert un seul sacrifice pour les péchés, s’est assis pour toujours à la droite de Dieu; 13 il attend désormais que ses ennemis soient devenus son marchepied. 14 Car, par une seule offrande, il a amené à la perfection pour toujours ceux qui sont sanctifiés. 15 C’est ce que le Saint-Esprit nous atteste aussi; car, après avoir dit:
16 Voici l’alliance que je ferai avec eux,
Après ces jours-là, dit le Seigneur:
Je mettrai mes lois dans leur cœur,
Et je les écrirai dans leur esprit[c],
il ajoute[d]:
17 Et je ne me souviendrai plus de leurs péchés ni de leurs iniquités[e].
18 Or, là où il y a pardon des péchés, il n’y a plus d’offrande pour le péché.
Exhortation à la fermeté dans la foi
19 Ainsi donc, frères, nous avons, au moyen du sang de Jésus, une libre entrée dans le sanctuaire 20 par la route nouvelle et vivante qu’il a inaugurée pour nous au travers du voile, c’est-à-dire de sa chair, 21 et nous avons un souverain sacrificateur établi sur la maison de Dieu; 22 approchons-nous donc avec un cœur sincère, dans la plénitude de la foi, les cœurs purifiés d’une mauvaise conscience, et le corps lavé d’une eau pure. 23 Retenons fermement la profession de notre espérance, car celui qui a fait la promesse est fidèle. 24 Veillons les uns sur les autres, pour nous exciter à l’amour et aux bonnes œuvres. 25 N’abandonnons pas notre assemblée, comme c’est la coutume de quelques-uns; mais exhortons-nous réciproquement, et cela d’autant plus que vous voyez s’approcher le jour.
26 Car, si nous péchons volontairement après avoir reçu la connaissance de la vérité, il ne reste plus de sacrifice pour les péchés, 27 mais une attente terrible du jugement et l’ardeur d’un feu qui dévorera les rebelles. 28 Celui qui a violé la loi de Moïse meurt sans miséricorde, sur la déposition de deux ou de trois témoins; 29 de quel pire châtiment pensez-vous que sera jugé digne celui qui aura foulé aux pieds le Fils de Dieu, qui aura tenu pour profane le sang de l’alliance, par lequel il a été sanctifié, et qui aura outragé l’Esprit de la grâce? 30 Car nous connaissons celui qui a dit:
A moi la vengeance, à moi la rétribution[f]!
et encore:
Le Seigneur jugera son peuple[g].
31 C’est une chose terrible de tomber entre les mains du Dieu vivant.
32 Souvenez-vous de ces premiers jours, où, après avoir été éclairés, vous avez soutenu un grand combat au milieu des souffrances, 33 d’une part, exposés comme en spectacle aux opprobres et aux afflictions, et de l’autre, vous associant à ceux dont la position était la même. 34 En effet, vous avez eu de la compassion pour les prisonniers, et vous avez accepté avec joie l’enlèvement de vos biens, sachant que vous avez des biens meilleurs et qui durent toujours. 35 N’abandonnez donc pas votre assurance, à laquelle est attachée une grande rémunération. 36 Car vous avez besoin de persévérance, afin qu’après avoir accompli la volonté de Dieu, vous obteniez ce qui vous est promis. 37 Encore un peu, un peu de temps: celui qui doit venir viendra, et il ne tardera pas. 38 Et mon juste vivra par la foi[h]; mais s’il se retire, mon âme ne prend pas plaisir en lui. 39 Nous, nous ne sommes pas de ceux qui se retirent pour se perdre, mais de ceux qui ont la foi pour sauver leur âme.
Footnotes
- Hébreux 10:7 + Ps 40:7-9
- Hébreux 10:9 Seg. il abolit
- Hébreux 10:16 + Jé 31:33
- Hébreux 10:16 Les mots il ajoute ne sont pas dans le texte grec
- Hébreux 10:17 + Jé 31:34
- Hébreux 10:30 + De 32:35
- Hébreux 10:30 + De 32:36
- Hébreux 10:38 + Ha 2:4
Mga Hebreo 10
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't ang kautusan na may (A)isang anino (B)ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, (C)kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.
2 Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.
3 Nguni't (D)sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.
4 Sapagka't di maaari na (E)ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.
5 Kaya't (F)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,
(G)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (H)sa akin ay inihanda mo;
6 Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
8 Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),
9 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.
10 Sa (I)kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng (J)katawan ni Cristo na (K)minsan magpakailan man.
11 At katotohanang ang bawa't saserdote (L)na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:
12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng (M)isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan (N)magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang (O)kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.
14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay (P)kaniyang pinasakdal magpakailan man (Q)ang mga pinapagiging-banal.
15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo (R)rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,
16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila
Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon;
(S)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso,
At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;
17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.
18 At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.
19 Mga kapatid, yamang (T)may kalayaan ngang makapasok sa (U)dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,
20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, (V)sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;
21 At yamang may (W)isang Dakilang Saserdote na pangulo sa (X)bahay ng Dios;
22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso (Y)sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula (Z)sa isang masamang budhi: at (AA)mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
23 Na ating ingatang matibay ang (AB)pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't (AC)tapat ang nangako:
24 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;
25 Na huwag nating pabayaan ang (AD)ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na (AE)ang araw.
26 Sapagka't (AF)kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, (AG)ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.
28 (AH)Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, (AI)ang ihahatol na nauukol doon (AJ)sa yumurak sa (AK)Anak ng Dios, at umaring di banal (AL)sa dugo ng (AM)tipan na (AN)nagpabanal sa kaniya, (AO)at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, (AP)Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman (AQ)ng Panginoon ang kaniyang bayan.
31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.
32 Datapuwa't (AR)alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata;
33 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.
34 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak (AS)ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa'y inyong nalalamang (AT)mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal.
35 Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.
36 Sapagka't kayo'y nangangailangan (AU)ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay (AV)magsitanggap kayo ng pangako.
37 Sapagka't (AW)sa madaling panahon,
Siyang pumaparito ay (AX)darating, at hindi magluluwat.
38 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay (AY)mabubuhay sa pananampalataya:
At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.
39 Nguni't tayo'y hindi doon (AZ)sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.
Mga Hebreo 10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Ang Kautusan ay nagtataglay ng anino lamang ng mabubuting bagay na darating at hindi ng totoong anyo ng mga iyon. Kaya, kailanman ay hindi kaya ng kautusan na gawing ganap ang mga lumalapit sa pamamagitan ng mga alay na laging ihinahandog taun-taon. 2 Kung hindi gayon, sana ay tinigil na ang paghahandog ng mga iyon, kung ang mga sumasamba na nalinis nang minsan ay wala nang kamalayan sa kanilang kasalanan. 3 Ngunit ang mga handog na iyon ay taun-taong nagsisilbing paalala ng mga kasalanan. 4 Sapagkat hindi kayang pawiin ng dugo ng mga toro at ng mga kambing ang mga kasalanan.
5 Kaya't (A) nang dumating si Cristo sa sanlibutan, sinabi niya,
“Alay at handog, hindi mo kinalugdan,
ngunit ipinaghanda mo ako ng isang katawan;
6 sa mga handog para sa kasalanan, sa mga handog na sinusunog,
sa mga ito ay hindi ka nalugod.
7 Kaya't sinabi ko, ‘Masdan mo, O Diyos, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban,
gaya ng sinasaad tungkol sa akin, sa balumbon ng Kasulatan.’
8 Nang sabihin niya na, “Alay at handog, hindi mo kinalugdan; sa mga handog para sa kasalanan, sa mga handog na sinusunog,” na ihinahandog ayon sa Kautusan, 9 idinagdag din niya, “Masdan mo, O Diyos, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang pag-aalay upang bigyang-daan ang pangalawa, ang pag-aalay ni Cristo.[a] 10 At dahil sa pagsunod ni Jesu-Cristo sa kalooban ng Diyos, tayo'y ginawang banal dahil sa pag-aalay ng katawan ni Cristo, pag-aalay na minsanan at ang bisa ay magpakailanman.
11 Araw-araw (B) na ginagampanan ng pari ang paglilingkod, paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog na hindi naman kailanman nakapapawi ng mga kasalanan. 12 Ngunit (C) minsan lamang naghandog si Cristo ng iisang alay na panghabang-panahon para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos nito'y umupo siya sa kanan ng Diyos. 13 Mula nang panahon na iyon ay naghihintay siya hanggang ang kanyang mga kaaway ay maipailalim sa kanyang mga paa. 14 Sapagkat sa pamamagitan ng isang alay ay kanyang ginawang sakdal magpakailanman ang mga ginagawang banal.
15 Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Una ay sinabi niya,
16 “Ito (D) ang pakikipagtipan na gagawin ko sa kanila,
pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon;
ilalagay ko ang aking mga tuntunin sa kanilang mga puso,
itatanim ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip,”
17 pagkatapos ay sinabi (E) rin niya,
“Ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.”
18 Dahil mayroon nang kapatawaran sa mga kasalanan, hindi na kailangang mag-alay pa para sa mga ito.
Mga Paalala at Babala
19 Kaya, mga kapatid, mayroon na tayong lakas ng loob na pumasok sa Dakong Kabanal-banalan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daan sa gitna ng tabing; samakatuwid ay sa pamamagitan ng kanyang katawan. 21 At dahil tayo ay may isang Kataas-taasang Pari sa bahay ng Diyos, 22 lumapit tayo (F) sa Diyos na may tapat na puso at lubos na pananampalataya. Lumapit tayo na may pusong winisikan upang maging malinis mula sa maruming budhi at may katawang hinugasan ng dalisay na tubig. 23 Matatag nating panghawakan ang pag-asa na ating ipinapahayag, yamang siya na nangako ay tapat. 24 At isipin natin kung paano natin hihimukin ang isa't isa sa pag-ibig at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, sa halip ay palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na habang nakikita ninyo na papalapit na ang Araw.
26 Sapagkat kung sinasadya nating magkasala matapos na lubos nating malaman ang katotohanan, wala nang maaari pang ialay para sa mga kasalanan. 27 Sa halip, (G) ang natitira na lamang ay ang paghihintay sa isang kakila-kilabot na paghuhukom, at isang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway. 28 Ang (H) sumuway sa Kautusan ni Moises, batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay walang awang pinapatay. 29 Sa (I) tingin ninyo, hindi ba higit na parusa ang nararapat sa taong yumurak sa Anak ng Diyos at lumapastangan sa dugo ng tipan na nagpabanal sa taong iyon, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? 30 Sapagkat (J) kilala natin siya na nagsabi nito, “Akin ang paghihiganti, ako ang maniningil.” Sinabi rin, “Huhukuman ng Panginoon ang kanyang bayan.” 31 Kakila-kilabot na bagay ang mahulog mula sa mga kamay ng buháy na Diyos.
32 Alalahanin ninyo ang nagdaang mga araw. Matapos kayong maliwanagan, matibay kayong nanindigan sa gitna ng mga pagtitiis at pakikipaglaban. 33 May mga panahong hayagan kayong inaalipusta at inusig; at may mga panahon ding naging kasama kayo ng mga taong pinaranas ng gayon. 34 Sapagkat kinahabagan ninyo ang mga bilanggo, at tinanggap ninyo nang buong galak ang pagkamkam ng inyong mga ari-arian, palibhasa'y alam ninyo na mayroon kayong kayamanang higit na mabuti at magpakailanman. 35 Kaya't huwag ninyong sayangin ang inyong pagtitiwala sa Diyos, sapagkat nagdudulot ito ng dakilang gantimpala. 36 Sapagkat kailangan ninyong magpakatatag, upang pagkatapos ninyong gampanan ang kalooban ng Diyos ay tatanggapin ninyo ang kanyang ipinangako.
37 Sapagkat (K) “kaunting panahon na lamang,
Siya na dumarating ay darating at hindi maaantala.
38 Ngunit ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya.
Kung siya'y tumalikod,
hindi malulugod sa kanya ang aking kaluluwa.
39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; sa halip, kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naliligtas.
Footnotes
- Mga Hebreo 10:9 Sa Griyego, Inalis niya ang una, upang itatag ang ikalawa.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Nouvelle Edition de Genève Copyright © 1979 by Société Biblique de Genève
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
