Mga Hebreo 10:20-22
Ang Biblia, 2001
20 na kanyang binuksan para sa atin ang isang bago at buháy na daan, sa pamamagitan ng tabing, samakatuwid ay sa kanyang laman,
21 at yamang mayroon tayong isang pinakapunong pari sa bahay ng Diyos,
22 tayo'y(A) lumapit na may tapat na puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang mga puso ay winisikang malinis mula sa isang masamang budhi at nahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daan sa gitna ng tabing; samakatuwid ay sa pamamagitan ng kanyang katawan. 21 At dahil tayo ay may isang Kataas-taasang Pari sa bahay ng Diyos, 22 lumapit tayo (A) sa Diyos na may tapat na puso at lubos na pananampalataya. Lumapit tayo na may pusong winisikan upang maging malinis mula sa maruming budhi at may katawang hinugasan ng dalisay na tubig.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:20-22
Ang Dating Biblia (1905)
20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;
21 At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios;
22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
Read full chapter
Mga Hebreo 10:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, (A)sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;
21 At yamang may (B)isang Dakilang Saserdote na pangulo sa (C)bahay ng Dios;
22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso (D)sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula (E)sa isang masamang budhi: at (F)mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
