Mga Gawa 8:31-33
Ang Biblia, 2001
31 Sumagot naman ito, “Paano nga ba, malibang may tumulong sa akin?” At kanyang inanyayahan si Felipe na umakyat at maupong kasama niya.
32 Ang(A) bahagi ng kasulatan na binabasa niya ay ito:
“Tulad ng tupa na dinala sa katayan;
at sa isang kordero na hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit,
gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig.
33 Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan.
Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi?
Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.”
Mga Gawa 8:31-33
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
31 Sumagot siya kay Felipe, “Paano ko ito mauunawaan kung walang magpapaliwanag sa akin?” At kanyang inanyayahan si Felipe na sumakay at maupong kasama niya. 32 Ito (A) ang bahagi ng Kasulatang binabasa niya:
“Tulad ng tupang dinala sa katayan;
at ng korderong hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit,
gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig.
33 Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan.
Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi?
Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
