Add parallel Print Page Options

Hinintay nilang mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang masamang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng palagay. “Siya'y isang diyos,” sabi nila.

Ang pinuno sa pulong iyon ay isang nagngangalang Publio, at malapit sa lugar na iyon ang kanyang lupain. Malugod niya kaming pinatuloy sa loob ng tatlong araw. Ang ama ni Publio ay nagkataong nakaratay noon dahil sa lagnat at disenterya, kaya't ito'y dinalaw ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling.

Read full chapter

Naghintay ang mga tao na mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya, nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos. Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling.

Read full chapter