Add parallel Print Page Options

26 ‘Pumaroon(A) ka sa bayang ito, at sabihin mo,
tunay na inyong mapapakinggan, ngunit hindi kailanman mauunawaan,
    tunay na inyong titingnan ngunit hindi ninyo mamamasdan.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    at pumikit na ang kanilang mga mata;
    baka sila'y makakita sa kanilang mga mata,
    at makarinig sa kanilang mga tainga,
at makaunawa sa kanilang puso, at magbalik-loob,
    at sila'y aking pagalingin.’

28 Maging hayag nawa sa inyo na ang kaligtasang ito ng Diyos ay ipinadala sa mga Hentil at sila'y makikinig.”

Read full chapter

26 ‘Pumaroon (A) ka sa sambayanang ito at sabihin mo,
Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
    tingnan man ninyo nang tingnan, hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    ipinikit na nila ang kanilang mga mata;
    Sapagkat ayaw na nilang makakita ang kanilang mga mata,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang kanilang puso, at magbalik-loob sa akin,
    at sila'y aking pagalingin.’

28 Kaya nais kong sabihin sa inyo na ipinararating na sa mga Hentil ang kaligtasang ito mula sa Diyos, at pakikinggan nila ito!”

Read full chapter