Add parallel Print Page Options

23 Sapagkat nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na may-ari sa akin at aking pinaglilingkuran. 24 Sinabi ng anghel sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo. Kailangan mong humarap sa Emperador. Ipinagkaloob ng Diyos sa iyo na iligtas niya ang mga kasama mong naglalakbay.’ 25 Kaya tibayan ninyo ang inyong loob, mga ginoo, sapagkat sumasampalataya ako sa Diyos na mangyayari ang lahat ng sinabi niya sa akin.

Read full chapter