Mga Gawa 26:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga (A)kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako.
4 Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio;
5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa (B)lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
Read full chapter
Mga Gawa 26:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 sapagkat bihasa kayo sa lahat ng mga kaugalian at mga usapin ng mga Judio, kaya ipinapakiusap ko sa inyo na matiyaga ninyo akong pakinggan. 4 “Nalalaman ng lahat ng mga Judio ang aking pamumuhay mula sa aking pagkabata sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. 5 Alam (A) nila mula pa nang una, kung handa silang magpatunay, na namuhay ako bilang Fariseo, ang pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
