Mga Gawa 24:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Minsan man ay hindi nila ako nakitang nakikipagtalo kaninuman sa loob ng Templo, o gumagawa ng gulo sa sinagoga, o sa alinmang lugar sa lungsod. 13 Wala silang maihaharap na katibayan sa kanilang mga paratang laban sa akin. 14 Inaamin kong ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na sinasabi nilang maling pananampalataya. Subalit naniniwala rin ako sa lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga aklat ng mga propeta.
Read full chapter
Mga Gawa 24:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Minsan man ay hindi nila ako natagpuang nakikipagtalo kahit kanino o kaya'y nanggugulo sa maraming tao sa Templo man o sa mga sinagoga, o saanmang dako ng lungsod. 13 Hindi rin nila mapapatunayan sa inyo ang mga ibinibintang nila sa akin ngayon. 14 Ngunit ito ang inaamin ko sa inyo: Ayon sa Daan na tinatawag nilang sekta ay sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga propeta.
Read full chapter
Mga Gawa 24:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At ni hindi nila ako nasumpungan sa (A)templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.
13 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.
14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
