Add parallel Print Page Options

21 At mangyayari na ang (A)sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.

22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: (B)Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo (C)sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;

23 Siya, na (D)ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan (E)ay inyong ipinako sa krus at pinatay:

Read full chapter

21 At mangyayari na sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’

22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Jesus na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo. 23 Sa mula't mula pa'y alam na at ipinasya na ng Diyos na ibigay sa inyo si Jesus. At ipinako ninyo siya sa krus at ipinapatay sa mga makasalanan.

Read full chapter