Mga Gawa 2:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
Read full chapter
Mga Gawa 2:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Biglang nagkaroon ng isang ugong mula sa langit, gaya ng isang napakalakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kanilang kinaroroonan. 3 May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba't ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
