Mga Gawa 18:3
Ang Biblia (1978)
3 At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, (A)at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.
Read full chapter
1 Corinto 9:1-8
Ang Biblia (1978)
9 Hindi baga ako'y malaya? (A)hindi baga ako'y apostol? (B)hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? (C)hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon?
2 Kung sa iba'y hindi ako apostol, sa inyo man lamang ako'y gayon; sapagka't (D)ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon.
3 Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin.
4 (E)Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom?
5 Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng (F)isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at (G)ng mga kapatid ng Panginoon, at ni (H)Cefas?
6 O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa?
7 Sinong kawal ang (I)magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol? sino ang (J)nagtatanim ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyaon? o sino ang nagpapakain sa kawan, at hindi kumakain ng gatas ng kawan?
8 Ang mga ito baga'y sinasalita ko (K)ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978