Add parallel Print Page Options

Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Katulong nila si Juan[a] sa kanilang gawain.

Nilibot nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Natagpuan nila roon ang isang salamangkerong Judio na isang huwad na propeta; Bar-Jesus ang kanyang pangalan. Kaibigan ito ni gobernador Sergio Paulo, isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang marinig ang salita ng Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 13:5 JUAN: Ang Juan na ito ay tinatawag ding Marcos (tingnan ang 12:12).

Nang makarating sila sa Salamis, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan bilang katulong. Nilakbay nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Nakatagpo nila roon ang isang Judiong salamangkero at huwad na propeta na ang pangalan ay Bar-Jesus. Kasama siya ng gobernador na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang mapakinggan ang salita ng Diyos.

Read full chapter

At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa (A)mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong (B)si Juan.

At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng (C)isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;

Na kasama ng (D)proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.

Read full chapter