Mga Gawa 13:31-33
Magandang Balita Biblia
31 at(A) sa loob ng maraming araw, siya ay nagpakita sa mga sumama sa kanya sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila ang mga saksi niya sa mga Israelita. 32 Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno 33 ay(B) tinupad niya sa atin na kanilang mga anak, sa pamamagitan ng muling pagbuhay kay Jesus. Gaya ng nakasulat sa ikalawang Awit,
‘Ikaw ang aking Anak,
sa araw na ito ako'y naging iyong Ama.’
Mga Gawa 13:31-33
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
31 At (A) sa loob ng maraming mga araw ay nagpakita siya sa mga sumama sa kanya mula sa Galilea hanggang sa Jerusalem. Sila ngayon ang kanyang mga saksi sa taong-bayan. 32 Kami ang nangangaral sa inyo ng Magandang Balita, na ang ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno, 33 ay (B) tinupad din niya sa atin na kanilang mga anak, nang kanyang muling buhayin si Jesus! Gaya ng nasusulat sa ikalawang awit,
‘Ikaw ay aking Anak,
sa araw na ito'y naging Ama mo ako.’
Mga Gawa 13:31-33
Ang Biblia, 2001
31 At(A) sa loob ng maraming mga araw ay nakita siya ng mga kasama niyang pumunta buhat sa Galilea patungo sa Jerusalem, na siyang mga saksi niya ngayon sa taong-bayan.
32 Ipinangangaral namin sa inyo ang mabuting balita ng pangako ng Diyos sa ating mga ninuno,
33 na(B) ang mga bagay na ito ay tinupad din niya sa atin na kanilang mga anak, nang kanyang muling buhayin si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit,
‘Ikaw ay aking Anak,
sa araw na ito ay naging anak kita.’
Mga Gawa 13:31-33
Ang Biblia (1978)
31 At (A)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (B)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.
32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (C)pangakong ipinangako sa mga magulang,
33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (D)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
