Mga Gawa 13:17-19
Ang Dating Biblia (1905)
17 Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon.
18 At nang panahong halos apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.
19 At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:
Read full chapter
Mga Gawa 13:17-19
Ang Biblia, 2001
17 Hinirang(A) ng Diyos nitong bayang Israel ang ating mga ninuno, at ginawang dakila ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Ehipto, at sa pamamagitan ng nakataas na bisig ay kanyang inilabas sila roon.
18 (B) Sa halos apatnapung taon ay kanyang pinagtiyagaan sila sa ilang.
19 Nang(C) mawasak na niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain bilang pamana,
Read full chapter
Gawa 13:17-19
Ang Salita ng Diyos
17 Ang Diyos ng mga taong ito ng Israel ay pinili ang ating mga ninuno. Pinarangalan niya ang mga tao nang sila ay nanirahan sa bayan ng Egipto at inilabas niya sila mula roon sa pamamagitan ng makapangyarihang bisig. 18 Sa loob ng halos apatnapung taon ay pinagtiisan niya ang kanilang mga pag-uugali sa ilang. 19 Nang maibagsak na niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, hinati niya sa kanila ang kanilang bayan.
Read full chapter
Mga Gawa 13:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Ang (A) Diyos ng bayang ito ng Israel ang humirang sa ating mga ninuno, at sila'y ginawa niyang malaking bansa nang sila'y nakipamayan sa Ehipto. At sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, sila'y inilabas doon. 18 (B) Sa loob ng apatnapung taon ay kanyang pinagtiisan sila sa ilang. 19 Nang (C) malipol na niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan ay ipinamana sa kanila ang lupain,
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
