Mga Gawa 13:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagkasugo kina Bernabe at Saulo
13 May mga propeta at mga guro sa iglesya sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinatawag ding Maitim, Lucio na taga-Cirene, Manaen na kababata ni Herodes[a] na pinuno ng Galilea at Saulo. 2 Habang sila'y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila'y pinili ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.”
Read full chapterFootnotes
- 1 HERODES: Ito ay si Herodes Antipas na anak ni Herodes na Dakila.
Mga Gawa 13:1-2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagsusugo kina Bernabe at Saulo
13 Sa iglesya sa Antioquia ay may mga propeta at mga guro. Kabilang dito sina Bernabe, si Simeon na tinatawag ding Negro, si Lucio na taga-Cirene, si Manaen na malapit kay Herodes, at si Saulo. 2 Habang sila'y sumasamba sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi sa kanila ng Banal na Espiritu, “Ibukod ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo. Tinawag ko sila para sa isang gawain.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.