Mga Bilang 4
Ang Biblia (1978)
Paglilingkod ng mga anak ni Coath.
4 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
3 (A)Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, (B)sa mga bagay na kabanalbanalan:
5 Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, (C)at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang (D)kaban ng patotoo:
6 At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang (E)takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga (F)pingga niyaon.
7 At sa ibabaw ng (G)dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon.
8 At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga (H)pingga.
9 At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang (I)kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan:
10 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan.
11 At ang ibabaw ng (J)dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon:
12 At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan.
13 At kanilang aalisin ang mga abo sa (K)dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube.
14 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga (L)mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.
15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga (M)anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: (N)datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
16 At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang (O)langis sa ilawan, at ang (P)mabangong kamangyan, at ang palaging (Q)handog na harina, at ang (R)langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon.
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
18 Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita.
19 Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito, upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, (S)paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay: si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa't isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin:
20 (T)Nguni't sila'y huwag magsisipasok upang tingnan ang (U)santuario kahit sandali man, baka sila'y mamatay.
Paglilingkod ng mga Gersonita.
21 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
22 Aayusin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gerson, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ayon sa kanilang mga angkan;
23 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin:
25 (V)Dadalhin nila ang mga (W)tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang (X)panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan;
26 At ang mga tabing sa looban, at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo, at ng dambana, at ang mga tali ng mga yaon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod.
27 Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin, at sa buong kanilang paglilingkod: at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin.
28 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita sa tabernakulo ng kapisanan: at ang katungkulan nila ay mapapasa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
Katungkulan ng mga anak ni Merari.
29 Tungkol sa mga anak ni Merari, ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang;
30 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na pumapasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
31 (Y)At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
32 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: (Z)at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin.
33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan, sa (AA)ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
Bilang ng mga Levita mula sa edad na tatlongpu at limangpung taon.
34 At binilang ni Moises at ni Aaron, at ng mga prinsipe ng kapisanan ang mga anak ng mga Coathita ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
35 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, ang bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan;
36 At yaong nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay dalawang libo at pitong daan at limangpu.
37 (AB)Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga Coathita, lahat ng nagsisipaglingkod sa tabernakulo ng kapisanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
38 At yaong nangabilang sa mga anak ni Gerson, ang kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
39 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan.
40 Sa makatuwid baga'y ang nangabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu.
41 (AC)Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon.
42 At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
43 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan,
44 Sa makatuwid baga'y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay tatlong libo at dalawang daan.
45 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron, (AD)ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
46 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
47 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod, at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan,
48 Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu.
49 Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, (AE)bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila (AF)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Mga Bilang 4
Ang Biblia, 2001
Ang Paglilingkod ng mga Anak ni Kohat
4 Nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2 “Kunin ninyo ang bilang ng mga anak ni Kohat, mula sa mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno.
3 Mula sa tatlumpung taong gulang hanggang sa limampung taong gulang, lahat ng maaaring pumasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa toldang tipanan.
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Kohat sa toldang tipanan, sa mga bagay na kabanal-banalan.
5 Kapag ang kampo ay susulong na, papasok si Aaron sa loob at ang kanyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyon ang kaban ng patotoo.
6 Kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng kambing at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang telang asul, at kanilang ilalagay ang mga pasanan niyon.
7 Sa ibabaw ng hapag ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang telang asul, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang sandok, mga mangkok, mga pitsel para sa handog na inumin; at ang palagiang tinapay ay malalagay sa ibabaw niyon.
8 Kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga iyon ng telang pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng kambing, at kanilang ilalagay ang mga pasanan.
9 Kukuha sila ng isang telang asul at kanilang tatakpan ang ilawan para sa ilaw, kasama ang mga ilawan, mga pamputol ng mitsa, mga lalagyan, at lahat ng sisidlan ng langis na ginagamit dito.
10 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyon sa loob ng isang panakip na balat ng kambing, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan.
11 Ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang telang asul, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng kambing, at kanilang ilalagay ang mga pasanan niyon.
12 Kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa paglilingkod na ginagamit sa santuwaryo. Ang mga ito'y kanilang ilalagay sa isang telang asul, tatakpan ng isang panakip na balat ng kambing, at ipapatong sa patungan.
13 Kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at lalatagan ito ng isang telang kulay-ube.
14 Kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana na ginagamit sa paglilingkod doon, ang apuyan at ang mga pantusok, ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana. Kanilang lalatagan iyon ng isang panakip na balat ng kambing, at kanilang ilalagay sa mga pasanan niyon.
15 Kapag tapos nang takpan ni Aaron at ng kanyang mga anak ang lahat ng kasangkapan ng santuwaryo, habang sumusulong ang kampo, lalapit ang mga anak ni Kohat upang kanilang buhatin iyon. Subalit huwag nilang hihipuin ang mga banal na bagay, upang hindi sila mamatay. Ang mga bagay na ito sa toldang tipanan ang papasanin ng mga anak ni Kohat.
16 “Ang pangangasiwaan ni Eleazar na anak ng paring si Aaron ay ang langis sa ilaw, ang mabangong insenso, ang patuloy na handog na butil, ang langis na pambuhos, ang pamamahala sa buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuwaryo at ang mga sisidlan niyon.”
17 At nagsalita ang Panginoon kina Moises at Aaron, na sinasabi,
18 “Huwag ninyong hayaang mamatay ang lipi ng mga angkan ng mga Kohatita sa gitna ng mga Levita,
19 ganito mo sila dapat pakitunguhan upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, paglapit nila sa mga kabanal-banalang bagay. Si Aaron at ang kanyang mga anak ay paroroon at ituturo sa bawat isa ang kanya-kanyang paglilingkod at ang kanya-kanyang pasanin.
20 Ngunit sila'y huwag papasok upang tingnan ang santuwaryo kahit sandali lang, upang hindi sila mamatay.”
Ang Paglilingkod ng mga Gershonita
21 Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
22 “Bibilangin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gershon, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno ayon sa kanilang mga angkan;
23 mula sa tatlumpung taong gulang hanggang sa limampung taong gulang ay bibilangin mo sila; ang lahat ng karapat-dapat maglingkod sa gawain ng toldang tipanan.
24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gershonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga dala-dalahan.
25 Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo, ang toldang tipanan, ang takip niyon, ang panakip na balat ng kambing na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng toldang tipanan,
26 ang mga kurtina sa bulwagan, ang tabing sa pasukan ng bulwagan na nasa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at ang mga tali ng mga iyon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod; at gagawin nila ang lahat na marapat na gawin sa mga iyon.
27 Nasa pamamahala ni Aaron at ng kanyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gershonita, ang lahat ng kanilang dadalhin at ang lahat ng kanilang gagawin; at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang dadalhin.
28 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gershonita sa toldang tipanan at ang gawain nila ay nasa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak ng paring si Aaron.
Katungkulan ng mga Anak ni Merari
29 “Tungkol sa mga anak ni Merari, bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno.
30 Mula sa tatlumpung taong gulang pataas hanggang sa limampung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na maaaring pumasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa toldang tipanan.
31 At ito ang tungkulin nilang dalhin ayon sa lahat ng paglilingkod nila sa toldang tipanan: ang mga tabla ng tabernakulo, ang mga biga, ang mga haligi, at ang mga patungan.
32 Ang mga haligi sa palibot ng bulwagan, at ang mga patungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ang lahat ng kasangkapan at iba pang kasamang kagamitan; at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan nilang dalhin.
33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa lahat ng paglilingkod nila sa toldang tipanan, sa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”
Ang Bilang ng mga Levita mula Tatlumpu Hanggang Limampu
34 At binilang nina Moises at Aaron at ng mga pinuno ng sambayanan ang mga anak ng mga Kohatita ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno,
35 mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang, ang bawat isa na karapat-dapat maglingkod sa toldang tipanan.
36 Ang nabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan ay dalawang libo pitong daan at limampu.
37 Ito ang nabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, lahat ng naglilingkod sa toldang tipanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
38 At ang nabilang sa mga anak ni Gershon, ang kanilang mga angkan, at ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno,
39 mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang, bawat isa na karapat-dapat maglingkod sa toldang tipanan.
40 Ang nabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ay dalawang libo animnaraan at tatlumpu.
41 Ito ang nabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gershon, sa lahat ng naglingkod sa toldang tipanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon.
42 Ang nabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno,
43 mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang, bawat isang karapat-dapat maglingkod sa toldang tipanan,
44 ang lahat na nabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan ay tatlong libo at dalawandaan.
45 Ito ang nabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang nina Moises at Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
46 Ang lahat na nabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga pinuno sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan at sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno,
47 mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang, bawat isang karapat-dapat maglingkod at magdala ng mga pasan na may kinalaman sa toldang tipanan.
48 Ang nabilang sa kanila ay walong libo limang daan at walumpu.
49 Ayon sa utos ng Panginoon ay nabilang sa pamamagitan ni Moises, bawat isa ayon sa kanyang paglilingkod, at ayon sa kanyang dadalhin; ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Mga Bilang 4
Ang Dating Biblia (1905)
4 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
3 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, sa mga bagay na kabanalbanalan:
5 Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo:
6 At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.
7 At sa ibabaw ng dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon.
8 At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga.
9 At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan:
10 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan.
11 At ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon:
12 At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan.
13 At kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube.
14 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.
15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
16 At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon.
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
18 Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita.
19 Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito, upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay: si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa't isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin:
20 Nguni't sila'y huwag magsisipasok upang tingnan ang santuario kahit sandali man, baka sila'y mamatay.
21 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
22 Aayusin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gerson, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ayon sa kanilang mga angkan;
23 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin:
25 Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan;
26 At ang mga tabing sa looban, at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo, at ng dambana, at ang mga tali ng mga yaon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod.
27 Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin, at sa buong kanilang paglilingkod: at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin.
28 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita sa tabernakulo ng kapisanan: at ang katungkulan nila ay mapapasa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
29 Tungkol sa mga anak ni Merari, ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang;
30 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na pumapasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
31 At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
32 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin.
33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
34 At binilang ni Moises at ni Aaron, at ng mga prinsipe ng kapisanan ang mga anak ng mga Coathita ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
35 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, ang bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan;
36 At yaong nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay dalawang libo at pitong daan at limangpu.
37 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga Coathita, lahat ng nagsisipaglingkod sa tabernakulo ng kapisanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
38 At yaong nangabilang sa mga anak ni Gerson, ang kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
39 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan.
40 Sa makatuwid baga'y ang nangabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu.
41 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon.
42 At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
43 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan,
44 Sa makatuwid baga'y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay tatlong libo at dalawang daan.
45 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
46 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
47 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod, at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan,
48 Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu.
49 Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
