Mga Bilang 4:2-4
Ang Biblia, 2001
2 “Kunin ninyo ang bilang ng mga anak ni Kohat, mula sa mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno.
3 Mula sa tatlumpung taong gulang hanggang sa limampung taong gulang, lahat ng maaaring pumasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa toldang tipanan.
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Kohat sa toldang tipanan, sa mga bagay na kabanal-banalan.
Mga Bilang 4:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
3 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, sa mga bagay na kabanalbanalan:
Mga Bilang 4:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
3 (A)Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, (B)sa mga bagay na kabanalbanalan:
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
