Add parallel Print Page Options

20 Linisin din ninyo ang inyong mga kasuotan, mga kagamitang yari sa balat, telang lana at kahoy.”

21 Sinabi ni Eleazar sa mga kawal na nanggaling sa labanan, “Ito ang mga patakarang ibinigay ni Yahweh kay Moises: 22-23 ang mga ginto, pilak, tanso, bakal, lata at lahat ng hindi masusunog ay pararaanin sa apoy para luminis. Pagkatapos, huhugasan ito ayon sa Kautusan. Lahat ng maaaring masunog ay lilinisin sa pamamagitan ng tubig ayon sa Kautusan.

Read full chapter