Mga Bilang 3
Magandang Balita Biblia
Ang Tungkulin ng mga Levita
3 Ito ang salinlahi nina Aaron at Moises nang kausapin siya ni Yahweh sa Bundok ng Sinai. 2 Ang(A) mga anak ni Aaron ay si Nadab na siyang panganay at sina Abihu, Eleazar at Itamar. 3 Sila ang mga itinalagang pari na magsisilbi sa Toldang Tipanan. 4 Ngunit(B) sina Nadab at Abihu ay namatay sa harap ng altar sa Bundok ng Sinai nang magsunog sila ng handog kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy na hindi itinalaga para roon. Wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang pari habang nabubuhay ang kanilang ama.
5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 6 “Tipunin mo ang lipi ni Levi at italaga mo sila bilang katulong ni Aaron. 7 Tutulungan nila si Aaron sa mga gawain sa Toldang Tipanan at ang mga mamamayan sa kanilang paghahandog. 8 Sila ang mangangasiwa sa mga kagamitan sa loob ng Toldang Tipanan at sila rin ang tutulong sa mga Israelita sa kanilang pagsamba. 9 Ang tanging tungkulin ng mga Levita ay ang tumulong kay Aaron at sa kanyang mga anak sa gawain nila sa Toldang Tipanan. 10 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak na lalaki ay itatalaga mo bilang pari at sila lamang ang gaganap ng mga gawaing kaugnay nito. Sinumang hindi mula sa lipi ni Aaron na gumanap ng tungkulin ng pari ay dapat patayin.”
11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 12 “Pinili ko ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay na lalaki, kaya sila'y para sa akin. 13 Akin(C) ang lahat ng panganay sapagkat nang lipulin ko ang lahat ng panganay ng Egipto, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay, maging tao o hayop. Kaya, sila ay akin, ako si Yahweh.”
14 Sinabi noon ni Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai, 15 “Lahat ng lalaki sa lipi ni Levi, mula sa gulang na isang buwan pataas ay ilista mo ayon sa kani-kanilang angkan at sambahayan.” 16 Kaya, ang lipi ni Levi ay inilista ni Moises ayon sa utos sa kanya ni Yahweh. 17 Ito ang mga anak ni Levi: sina Gershon, Kohat at Merari. 18 Ang mga anak naman ni Gershon ay sina Libni at Simei. 19 Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 20 Ang mga anak naman ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang talaan ng lipi ni Levi ayon sa kani-kanilang angkan.
21 Ang angkan ni Gershon na binubuo ng mga sambahayan nina Libni at Simei 22 ay umabot sa 7,500 ang may edad na isang buwan pataas. 23 Nagkampo sila sa gawing kanluran, sa likod ng tabernakulo, 24 at ang pinuno nila ay si Eliasaf na anak ni Lael. 25 Sila ang mangangasiwa sa kaayusan ng Toldang Tipanan, 26 sa bubong at sa tali nito, sa mga kurtina sa pinto at sa bulwagan sa paligid, at ng altar.
27 Ang angkan ni Kohat ay binubuo ng mga sambahayan nina Amram, Izar, Hebron at Uziel, 28 at umabot sa 8,600 ang mga kalalakihang isang buwan pataas ang edad. 29 Sila ay sa gawing timog ng tabernakulo pinagkampo 30 at pinamunuan ni Elizafan na anak ni Uziel. 31 Sila naman ang mangangalaga sa Kaban ng Tipan, sa mesang lalagyan ng handog, sa ilawan, sa mga altar, sa kagamitan ng mga pari at sa mga tabing.
32 Si Eleazar na anak ni Aaron ang magiging pinuno ng mga Levita at mamamahala sa mga katulong sa paglilingkod sa santuwaryo.
33 Ang angkan ni Merari ay binubuo ng mga sambahayan nina Mahali at Musi, 34 at umabot sa 6,200 ang kalalakihang may edad na isang buwan pataas. 35 Ang pinuno nila ay si Zuriel na anak ni Abihail, at ang pinagkampuhan nila ay ang gawing hilaga ng tabernakulo. 36 Sila ang pinamahala sa mga gamit sa tabernakulo tulad ng mga haliging patayo at pahalang, poste, patungan ng mga poste at lahat ng kawit na gamit dito. 37 Sila rin ang pinamahala sa mga poste, sa patungan ng mga poste, sa mga tulos at mga panali sa bulwagan sa labas.
38 Magkakampo naman sa gawing silangan ng tabernakulo, sa harap ng Toldang Tipanan, sina Moises at Aaron at ang mga anak nito. Ang tungkulin nila ay sa loob ng santuwaryo; gawin ang anumang kailangang gawin para sa Israel o paglilingkod para sa mga Israelita. Sinumang lumapit sa Dakong Banal liban sa kanila ay dapat patayin. 39 Ang kabuuang bilang ng mga Levita na naitala nina Moises at Aaron ayon sa utos ni Yahweh ay 22,000.
Ang Pagtubos sa mga Panganay
40 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Bilangin at ilista mo ang pangalan ng mga panganay na lalaki sa buong Israel, mula sa edad na isang buwan pataas. 41 Ibubukod mo ang mga Levita para sa akin, bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng buong sambayanan. Ibubukod mo rin ang mga alagang hayop ng mga Levita bilang kapalit ng panganay ng mga hayop ng buong sambayanan.” 42 At itinala nga ni Moises ang lahat ng panganay na lalaki sa Israel ayon sa utos sa kanya ni Yahweh. 43 Ang naitala niya'y umabot sa 22,273.
44 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 45 “Ilaan mo sa akin ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng Israel, at ang alagang hayop ng mga Levita bilang kapalit ng mga panganay ng mga hayop ng mga Israelita. Ang mga Levita ay para sa akin. 46 Sapagkat mas marami ng 273 ang panganay ng mga Israelita kaysa mga lalaking Levita, ipatutubos mo 47 ng limang pirasong pilak bawat isa, ayon sa opisyal na timbangan ng santuwaryo (ang isang pirasong pilak ay katumbas ng labindalawang gramo). 48 Lahat ng salaping malilikom ay ibibigay mo kay Aaron at sa kanyang mga anak.” 49 Kinuha nga ni Moises ang pantubos sa mga panganay ng mga Israelita na humigit sa bilang ng mga Levita. 50 Ang kabuuang nalikom ay umabot sa 1,365 pirasong pilak. 51 Ang lahat ng ito'y ibinigay ni Moises kay Aaron at sa mga anak nito bilang pagsunod sa utos ni Yahweh.
Mga Bilang 3
Ang Biblia (1978)
Mga saserdote at Levita ay itinangi upang maglingkod sa santuario.
3 At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.
2 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, (A)at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.
3 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na mga (B)saserdote na pinahiran ng langis, na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
4 (C)At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama.
5 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
6 (D)Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.
7 At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang (E)paglilingkod sa tabernakulo.
8 At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
9 (F)At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.
10 At iyong ihahalal si (G)Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: (H)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
11 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
12 At tungkol sa akin, narito, (I)aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin:
13 Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa (J)akin; (K)sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin; ako ang Panginoon.
Bilang at katungkulan ng mga Levita.
14 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, na sinasabi,
15 Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay (L)bibilangin mo.
16 At sila'y binilang ni Moises ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos sa kaniya.
17 (M)At ito ang mga naging anak ni Levi ayon sa kanilang mga pangalan: si Gerson, at si Coath, at si Merari.
18 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan: si (N)Libni at si Simei.
19 At ang mga anak ni Coath ayon sa kanilang mga angkan, ay si (O)Amram, at si Izhar, si Hebron, at si Uzziel.
Batas tungkol sa mga buwis.
20 (P)At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan; ay si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
21 Kay Gerson galing ang angkan ng mga Libnita, at ang angkan ng mga Simeita: ito ang mga angkan ng mga Gersonita.
22 Yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat ng mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay pitong libo at limang daan ang nangabilang sa kanila.
23 (Q)Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.
24 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael.
25 (R)At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay (S)ang tabernakulo, at ang Tolda, ang (T)takip niyaon at ang (U)tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan,
26 (V)At ang mga tabing ng looban at ang (W)tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga (X)tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon.
27 At (Y)kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita, at ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzzielita: ito ang mga angkan ng mga Coathita.
28 Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario.
29 Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan.
30 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel.
31 At ang magiging katungkulan nila ay ang (Z)kaban, (AA)at ang dulang, at ang kandelero, (AB)at ang mga dambana, (AC)at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, (AD)at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.
32 At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario.
33 Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita: ito ang mga angkan ni Merari.
34 At yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay anim na libo at dalawang daan.
35 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan.
36 (AE)At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga (AF)tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon;
37 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon.
38 (AG)At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: (AH)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
39 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita na binilang ni Moises at ni Aaron sa utos ng Panginoon ayon sa kanilang mga angkan, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda, ay (AI)dalawang pu't dalawang libo.
40 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bilangin mo ang lahat ng mga lalaking panganay sa mga anak ni Israel mula sa isang buwang gulang na patanda, at iguhit mo ang bilang ng kanilang mga pangalan.
41 (AJ)At iuukol mo sa akin ang mga Levita (ako ang Panginoon) sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel; at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga hayop ng mga anak ni Israel.
42 At binilang ni Moises, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ang lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel.
43 At lahat ng mga panganay na lalake ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa isang buwang gulang na patanda, doon sa nangabilang sa kanila, ay dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan at pitong pu't tatlo.
Pangtubos sa mga panganay.
44 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
45 Kunin mo ang mga Levita sa halip ng lahat na mga panganay sa mga anak ni Israel, at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng kanilang mga hayop: at ang mga Levita ay magiging akin; ako ang Panginoon.
46 (AK)At sa ikatutubos sa dalawang daan at pitong pu't tatlong panganay ng mga anak ni Israel (AL)na higit sa bilang ng mga Levita,
47 (AM)Ay kukuha ka ng (AN)limang siklo[a] sa bawa't isa (AO)ayon sa ulo; ayon sa siklo ng santuario kukunin mo (isang siklo ay dalawang pung gera):
48 At ibibigay mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping ikatutubos na humigit sa bilang nila.
49 At kinuha ni Moises ang salaping pangtubos sa mga labis na humigit sa mga natubos ng mga Levita:
50 Mula sa mga panganay ng mga anak ni Israel kinuha niya ang salapi; isang (AP)libo at tatlong daan at anim na pu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:
51 (AQ)At ibinigay ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping pangtubos ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Footnotes
- Mga Bilang 3:47 Ang isang siklo ay katimbang ng P1.00 sa ating kuwalta.
Numbers 3
New International Version
The Levites
3 This is the account of the family of Aaron and Moses(A) at the time the Lord spoke to Moses at Mount Sinai.(B)
2 The names of the sons of Aaron were Nadab the firstborn(C) and Abihu, Eleazar and Ithamar.(D) 3 Those were the names of Aaron’s sons, the anointed priests,(E) who were ordained to serve as priests. 4 Nadab and Abihu, however, died before the Lord(F) when they made an offering with unauthorized fire before him in the Desert of Sinai.(G) They had no sons, so Eleazar and Ithamar(H) served as priests during the lifetime of their father Aaron.(I)
5 The Lord said to Moses, 6 “Bring the tribe of Levi(J) and present them to Aaron the priest to assist him.(K) 7 They are to perform duties for him and for the whole community(L) at the tent of meeting by doing the work(M) of the tabernacle. 8 They are to take care of all the furnishings of the tent of meeting, fulfilling the obligations of the Israelites by doing the work of the tabernacle. 9 Give the Levites to Aaron and his sons;(N) they are the Israelites who are to be given wholly to him.[a] 10 Appoint Aaron(O) and his sons to serve as priests;(P) anyone else who approaches the sanctuary is to be put to death.”(Q)
11 The Lord also said to Moses, 12 “I have taken the Levites(R) from among the Israelites in place of the first male offspring(S) of every Israelite woman. The Levites are mine,(T) 13 for all the firstborn are mine.(U) When I struck down all the firstborn in Egypt, I set apart for myself every firstborn in Israel, whether human or animal. They are to be mine. I am the Lord.”(V)
14 The Lord said to Moses in the Desert of Sinai,(W) 15 “Count(X) the Levites by their families and clans. Count every male a month old or more.”(Y) 16 So Moses counted them, as he was commanded by the word of the Lord.
17 These were the names of the sons of Levi:(Z)
Gershon,(AA) Kohath(AB) and Merari.(AC)
18 These were the names of the Gershonite clans:
Libni and Shimei.(AD)
19 The Kohathite clans:
Amram, Izhar, Hebron and Uzziel.(AE)
20 The Merarite clans:(AF)
Mahli and Mushi.(AG)
These were the Levite clans, according to their families.
21 To Gershon(AH) belonged the clans of the Libnites and Shimeites;(AI) these were the Gershonite clans. 22 The number of all the males a month old or more who were counted was 7,500. 23 The Gershonite clans were to camp on the west, behind the tabernacle.(AJ) 24 The leader of the families of the Gershonites was Eliasaph son of Lael. 25 At the tent of meeting the Gershonites were responsible for the care of the tabernacle(AK) and tent, its coverings,(AL) the curtain at the entrance(AM) to the tent of meeting,(AN) 26 the curtains of the courtyard(AO), the curtain at the entrance to the courtyard surrounding the tabernacle and altar,(AP) and the ropes(AQ)—and everything(AR) related to their use.
27 To Kohath(AS) belonged the clans of the Amramites, Izharites, Hebronites and Uzzielites;(AT) these were the Kohathite(AU) clans. 28 The number of all the males a month old or more(AV) was 8,600.[b] The Kohathites were responsible(AW) for the care of the sanctuary.(AX) 29 The Kohathite clans were to camp on the south side(AY) of the tabernacle. 30 The leader of the families of the Kohathite clans was Elizaphan(AZ) son of Uzziel. 31 They were responsible for the care of the ark,(BA) the table,(BB) the lampstand,(BC) the altars,(BD) the articles(BE) of the sanctuary used in ministering, the curtain,(BF) and everything related to their use.(BG) 32 The chief leader of the Levites was Eleazar(BH) son of Aaron, the priest. He was appointed over those who were responsible(BI) for the care of the sanctuary.(BJ)
33 To Merari belonged the clans of the Mahlites and the Mushites;(BK) these were the Merarite clans.(BL) 34 The number of all the males a month old or more(BM) who were counted was 6,200. 35 The leader of the families of the Merarite clans was Zuriel son of Abihail; they were to camp on the north side of the tabernacle.(BN) 36 The Merarites were appointed(BO) to take care of the frames of the tabernacle,(BP) its crossbars,(BQ) posts,(BR) bases, all its equipment, and everything related to their use,(BS) 37 as well as the posts of the surrounding courtyard(BT) with their bases, tent pegs(BU) and ropes.
38 Moses and Aaron and his sons were to camp to the east(BV) of the tabernacle, toward the sunrise, in front of the tent of meeting.(BW) They were responsible for the care of the sanctuary(BX) on behalf of the Israelites. Anyone else who approached the sanctuary was to be put to death.(BY)
39 The total number of Levites counted(BZ) at the Lord’s command by Moses and Aaron according to their clans, including every male a month old or more, was 22,000.(CA)
40 The Lord said to Moses, “Count all the firstborn Israelite males who are a month old or more(CB) and make a list of their names.(CC) 41 Take the Levites for me in place of all the firstborn of the Israelites,(CD) and the livestock of the Levites in place of all the firstborn of the livestock of the Israelites. I am the Lord.”(CE)
42 So Moses counted all the firstborn of the Israelites, as the Lord commanded him. 43 The total number of firstborn males a month old or more,(CF) listed by name, was 22,273.(CG)
44 The Lord also said to Moses, 45 “Take the Levites in place of all the firstborn of Israel, and the livestock of the Levites in place of their livestock. The Levites are to be mine.(CH) I am the Lord.(CI) 46 To redeem(CJ) the 273 firstborn Israelites who exceed the number of the Levites, 47 collect five shekels[c](CK) for each one, according to the sanctuary shekel,(CL) which weighs twenty gerahs.(CM) 48 Give the money for the redemption(CN) of the additional Israelites to Aaron and his sons.”(CO)
49 So Moses collected the redemption money(CP) from those who exceeded the number redeemed by the Levites. 50 From the firstborn of the Israelites(CQ) he collected silver weighing 1,365 shekels,[d](CR) according to the sanctuary shekel. 51 Moses gave the redemption money to Aaron and his sons, as he was commanded by the word of the Lord.
Footnotes
- Numbers 3:9 Most manuscripts of the Masoretic Text; some manuscripts of the Masoretic Text, Samaritan Pentateuch and Septuagint (see also 8:16) to me
- Numbers 3:28 Hebrew; some Septuagint manuscripts 8,300
- Numbers 3:47 That is, about 2 ounces or about 58 grams
- Numbers 3:50 That is, about 35 pounds or about 16 kilograms
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

