Mga Bilang 19:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 “Sinumang itinuturing na marumi ngunit hindi maglinis sa pamamagitan ng tubig na panlinis ay mananatiling marumi. Ititiwalag siya sa sambayanan sapagkat dinudungisan niya ang santuwaryo ni Yahweh. 21 Ang mga ito'y tuntuning susundin ninyo habang panahon. Lalabhan din ang kasuotan ng sinumang magwisik ng tubig na panlinis. At sinumang makahawak sa tubig na ito ay ituturing na marumi hanggang kinagabihan. 22 Anumang mahawakan ng taong itinuturing na marumi ay ituturing ding marumi hanggang kinagabihan, gayundin ang sinumang humipo sa bagay na iyon.”
Read full chapter
Mga Bilang 19:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Nguni't ang taong magiging marumi, at hindi maglilinis, ay ihihiwalay ang taong yaon sa gitna ng kapulungan, sapagka't kaniyang inihawa ang santuario ng Panginoon: ang tubig para sa karumihan ay hindi nawisik sa kaniya; siya'y marumi.
21 At ito'y magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila: at yaong nagwiwisik ng tubig para sa karumihan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at yaong humipo ng tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa hapon.
22 At (A)anomang hipuin ng taong marumi ay magiging marumi; at ang taong humipo niyaon ay magiging marumi hanggang sa hapon.
Read full chapter
Números 19:20-22
La Biblia de las Américas
20 »Pero el hombre que sea inmundo y que no se haya purificado a sí mismo de su inmundicia, esa persona será cortada de en medio de la asamblea, porque ha contaminado el santuario del Señor(A); el agua para[a] la impureza no se ha rociado sobre él; es inmundo. 21 Por tanto será estatuto perpetuo para ellos. Y el que rocíe el agua para[b] la impureza lavará su ropa, y el que toque el agua para impureza quedará inmundo hasta el atardecer(B). 22 Y todo lo que la persona inmunda toque quedará inmundo; y la persona que lo toque quedará inmunda hasta el atardecer(C)».
Read full chapterFootnotes
- Números 19:20 Lit., de
- Números 19:21 Lit., de
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978