Mga Awit 99
Ang Biblia (1978)
Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.
99 Ang Panginoon ay (A)naghahari: manginig ang mga bayan.
(B)Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:
Siya'y (C)banal.
4 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;
Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,
Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
5 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo (D)sa harap ng kaniyang tungtungan;
(E)Siya'y banal.
6 (F)Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si (G)Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
7 Siya'y nagsasalita sa kanila (H)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
8 Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
(I)Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
(J)Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
9 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa kaniyang (K)banal na bundok;
Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978