Font Size
Mga Awit 8:1-3
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 8:1-3
Magandang Balita Biblia
Kaluwalhatian ng Diyos at Dignidad ng Tao
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng Gittith.[a]
8 O Yahweh, na aming Panginoon,
sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Iyong papuri'y abot sa langit!
2 Pinupuri(A) ka ng mga bata't bagong silang,
ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan,
kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.
3 Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,
pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.
Footnotes
- Mga Awit 8:1 GITTITH: Ang kahulugan ng salitang ito'y maaaring tumutukoy sa isang uri ng instrumento o sa isang uri ng tono.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.