Add parallel Print Page Options

15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (A)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (B)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(C)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(D)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.

Read full chapter