Add parallel Print Page Options

Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.

71 Sa iyo (A)Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
(B)Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
(C)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
(D)Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
(E)Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
Sagipin mo ako, (F)Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
Sapagka't ikaw ay (G)aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
(H)Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
(I)Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
Ang bibig ko'y (J)mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
(K)Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11 Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 (L)Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, (M)magmadali kang tulungan mo ako.
13 (N)Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
15 (O)Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran,
At ng iyong pagliligtas buong araw;
(P)Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios:
Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan;
At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang (Q)iyong kalakasan sa sumusunod na lahi,
Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
19 (R)Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas;
Ikaw na (S)gumawa ng dakilang mga bagay,
(T)Oh Dios, sino ang gaya mo.
20 (U)Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan,
(V)Bubuhayin mo uli kami,
At ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
21 Palaguin mo ang aking kadakilaan,
At bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
22 Pupurihin din kita ng salterio,
Ang iyong katotohanan, Oh Dios ko;
Sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa,
(W)Oh ikaw na Banal ng Israel.
23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo;
At ang (X)kaluluwa ko, na iyong tinubos.
24 (Y)Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw:
(Z)Sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.

Panalangin para sa Habang Buhay na Pagliligtas

71 Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga.
    Huwag nʼyong pabayaang akoʼy mapahiya.
Tulungan nʼyo ako at iligtas sapagkat ikaw ay matuwid.
    Dinggin nʼyo ako at iligtas.
Kayo ang aking maging batong kanlungan na lagi kong malalapitan.
    Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.
O Dios ko, iligtas nʼyo ako mula sa kamay ng masasama at malulupit na tao.
Kayo ang aking pag-asa, O Panginoong Dios.
    Mula noong akoʼy bata pa, nagtiwala na ako sa inyo.
Mula nang akoʼy isilang, kasama na kita at akoʼy inyong iningatan.
    Pupurihin ko kayo magpakailanman.
Naging halimbawa ang buhay ko para sa marami,
    dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.
Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.
Huwag nʼyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na.
    Huwag nʼyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.
10 Dahil nag-uusap-usap ang aking mga kaaway at nagpaplano na akoʼy patayin.
11 Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Dios,
    kaya habulin natin siya at dakpin dahil wala namang magliligtas sa kanya.”
12 O Dios ko, huwag nʼyo po akong layuan;
    at agad akong tulungan.
13 Nawa silang nagpaparatang sa akin ay mapahiya at mapahamak.
    Ang mga nagnanais na akoʼy saktan ang siya sanang kutyain at malagay sa kahihiyan.
14 Ngunit ako, O Dios ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo.
15 Maghapon kong sasabihin
    na matuwid kayo at nagliligtas,
    kahit na hindi ko lubusang maunawaan.
16 Pupunta ako sa inyong templo Panginoong Dios
    at pupurihin ko ang inyong mga kahanga-hangang ginawa.
    Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan.
17 O Dios, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon,
    inihahayag ko ito sa mga tao.
18 At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok,
    huwag nʼyo akong pabayaan, O Dios.
    Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon,
    at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.
19 O Dios, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan ng lubusan.
    Kahanga-hanga ang inyong mga gawa.
    Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.
20 Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay.
    Katulad koʼy patay na muli nʼyong bubuhayin.
21 Bibigyan nʼyo ako ng mas higit na karangalan,
    at muli akong aaliwin.
22 O Dios ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa.
    O Banal na Dios ng Israel,
    aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.
23 Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog
    at umaawit ng papuri sa inyo.
24 Lagi kong ipapahayag na kayo ay matuwid dahil nabigo at nalagay sa kahihiyan ang mga nagnais na mapahamak ako.

Psalm 71(A)

In you, Lord, I have taken refuge;(B)
    let me never be put to shame.(C)
In your righteousness, rescue me and deliver me;
    turn your ear(D) to me and save me.
Be my rock of refuge,
    to which I can always go;
give the command to save me,
    for you are my rock and my fortress.(E)
Deliver(F) me, my God, from the hand of the wicked,(G)
    from the grasp of those who are evil and cruel.(H)

For you have been my hope,(I) Sovereign Lord,
    my confidence(J) since my youth.
From birth(K) I have relied on you;
    you brought me forth from my mother’s womb.(L)
    I will ever praise(M) you.
I have become a sign(N) to many;
    you are my strong refuge.(O)
My mouth(P) is filled with your praise,
    declaring your splendor(Q) all day long.

Do not cast(R) me away when I am old;(S)
    do not forsake(T) me when my strength is gone.
10 For my enemies(U) speak against me;
    those who wait to kill(V) me conspire(W) together.
11 They say, “God has forsaken(X) him;
    pursue him and seize him,
    for no one will rescue(Y) him.”
12 Do not be far(Z) from me, my God;
    come quickly, God, to help(AA) me.
13 May my accusers(AB) perish in shame;(AC)
    may those who want to harm me
    be covered with scorn and disgrace.(AD)

14 As for me, I will always have hope;(AE)
    I will praise you more and more.

15 My mouth will tell(AF) of your righteous deeds,(AG)
    of your saving acts all day long—
    though I know not how to relate them all.
16 I will come and proclaim your mighty acts,(AH) Sovereign Lord;
    I will proclaim your righteous deeds, yours alone.
17 Since my youth, God, you have taught(AI) me,
    and to this day I declare your marvelous deeds.(AJ)
18 Even when I am old and gray,(AK)
    do not forsake me, my God,
till I declare your power(AL) to the next generation,
    your mighty acts to all who are to come.(AM)

19 Your righteousness, God, reaches to the heavens,(AN)
    you who have done great things.(AO)
    Who is like you, God?(AP)
20 Though you have made me see troubles,(AQ)
    many and bitter,
    you will restore(AR) my life again;
from the depths of the earth(AS)
    you will again bring me up.
21 You will increase my honor(AT)
    and comfort(AU) me once more.

22 I will praise you with the harp(AV)
    for your faithfulness, my God;
I will sing praise to you with the lyre,(AW)
    Holy One of Israel.(AX)
23 My lips will shout for joy(AY)
    when I sing praise to you—
    I whom you have delivered.(AZ)
24 My tongue will tell of your righteous acts
    all day long,(BA)
for those who wanted to harm me(BB)
    have been put to shame and confusion.(BC)