Add parallel Print Page Options

Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.

65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(A)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (B)lilinisin mo.
(C)Mapalad ang tao na (D)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(E)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(F)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (G)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
(H)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(I)At ng kaingay ng mga bayan.
Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
(J)Iyong dinadalaw ang lupa, at (K)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(L)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (M)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

Footnotes

  1. Mga Awit 65:13 Is. 55:12.