Mga Awit 57:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Panalangin Upang Tulungan ng Diyos
Katha(A) ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Huwag Mong Sirain”. Isang Miktam,[a] nang si David ay tumakas kay Saul sa kuweba.
57 Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag;
sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas,
pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak,
ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.
2 Yaong aking tinatawag, ang Diyos na Kataas-taasan,
ang Diyos na nagbibigay ng lahat kong kailangan.
Footnotes
- Mga Awit 57:1 MIKTAM: Tingnan ang Awit 16.
Mga Awit 57:1-2
Ang Biblia, 2001
Sa(A) Punong Mang-aawit: ayon sa Huwag Wawasakin. Miktam ni David, nang siya ay tumakas kay Saul sa kuweba.
57 Maawa ka sa akin, O Diyos, sa akin ay maawa ka,
sapagkat nanganganlong sa iyo ang aking kaluluwa,
sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
hanggang sa makaraan ang mga pagkawasak na ito.
2 Sa Diyos na Kataas-taasan ako'y dumaraing,
sa Diyos na nagsasagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
Mga Awit 57:1-2
Ang Biblia (1978)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
57 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (C)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(D)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.