Mga Awit 49:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Tunay na sa anumang paraan ay walang taong makakatubos sa kanyang kapatid,
ni ibigay sa Diyos ang kabayaran ng kanyang buhay.
8 Sapagkat ang pantubos sa kanyang kaluluwa ay mahal,
at dapat siyang huminto magpakailanman,
9 na siya'y patuloy na mabuhay magpakailanman,
na siya'y huwag makakita ng kabulukan.
Mga Awit 49:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Wala sa kaniyang (A)makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid,
Ni (B)magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
8 (Sapagka't (C)ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal,
At ito'y naglilikat magpakailan man:)
9 Upang siya'y mabuhay na lagi,
Upang siya'y (D)huwag makakita ng kabulukan.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
