Mga Awit 45:6-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Iyang(A) tronong tinanggap mo na kaloob ng Diyos,[a]
isang tronong magtatagal at hindi na matatapos;
matuwid kang maghahari sa bansa mong nasasakop.
7 Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi;
kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili;
higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.
Footnotes
- 6 Iyang…Diyos: o kaya'y Ang iyong trono, O Diyos .
Mga Awit 45:6-7
Ang Biblia (1978)
6 (A)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
7 (B)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (C)ng langis
Ng langis (D)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
