Add parallel Print Page Options

Sa Punong Mang-aawit: kay Jedutun. Awit ni David.

39 Aking sinabi, “Ako'y mag-iingat sa aking mga lakad,
    upang huwag akong magkasala sa aking dila;
iingatan ko ang aking bibig na parang binusalan,
    hangga't ang masasama ay nasa aking harapan.”
Ako'y tumahimik at napipi,
    ako'y tumahimik pati sa mabuti;
lalong lumubha ang aking pighati,
    ang puso ko'y uminit sa aking kalooban.
Samantalang ako'y nagbubulay-bulay, ang apoy ay nagningas,
    pagkatapos sa aking dila ako ay bumigkas:

Panginoon, ipaalam mo sa akin ang aking katapusan,
    at kung ano ang sukat ng aking mga araw;
    ipaalam sa akin kung gaano kadaling lumipas ang aking buhay!
Narito, ang aking mga araw ay ginawa mong iilang mga dangkal,
    at sa paningin mo'y tulad sa wala ang aking buhay.
Tunay na bawat tao'y nakatayong gaya ng isang hininga lamang. (Selah)
    Tunay na ang tao ay lumalakad na gaya ng anino!
Tunay na sila'y nagkakagulo nang walang kabuluhan;
    ang tao ay nagbubunton, at hindi nalalaman kung sinong magtitipon!

“At ngayon, Panginoon, sa ano pa ako maghihintay?
    Ang aking pag-asa ay nasa iyo.
Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsuway.
    Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
Ako'y pipi, hindi ko ibinubuka ang bibig ko,
    sapagkat ikaw ang gumawa nito.
10 Paghampas sa akin ay iyo nang tigilan,
    ako'y bugbog na sa mga suntok ng iyong kamay.
11 Kapag pinarurusahan mo ang tao nang may pagsaway sa pagkakasala,
iyong tinutupok na gaya ng bukbok ang mahalaga sa kanya;
    tunay na ang bawat tao ay isa lamang hininga! (Selah)

12 “Pakinggan mo, O Panginoon, ang aking panalangin,
    at iyong dinggin ang aking daing;
    huwag kang manahimik sa aking mga luha!
Sapagkat ako'y dayuhan na kasama mo,
    isang manlalakbay gaya ng lahat na aking mga ninuno.
13 Ilayo mo ang iyong tingin sa akin, upang muli akong makangiti,
    bago ako umalis at mapawi!”

39 Aking sinabi, ako'y magiingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala ng aking dila: aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, samantalang ang masama ay nasa harap ko.

Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; at ang aking kalungkutan ay lumubha.

Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:

Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.

Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)

Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.

At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo.

Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang: huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.

Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagka't ikaw ang gumawa.

10 Iurong mo sa akin ang iyong suntok: ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.

11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)

12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.

13 Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas, Bago ako manaw, at mawala.

'Awit 39 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Psalm 39[a]

For the director of music. For Jeduthun. A psalm of David.

I said, “I will watch my ways(A)
    and keep my tongue from sin;(B)
I will put a muzzle on my mouth(C)
    while in the presence of the wicked.”
So I remained utterly silent,(D)
    not even saying anything good.
But my anguish(E) increased;
    my heart grew hot(F) within me.
While I meditated,(G) the fire(H) burned;
    then I spoke with my tongue:

“Show me, Lord, my life’s end
    and the number of my days;(I)
    let me know how fleeting(J) my life is.(K)
You have made my days(L) a mere handbreadth;
    the span of my years is as nothing before you.
Everyone is but a breath,(M)
    even those who seem secure.[b]

“Surely everyone goes around(N) like a mere phantom;(O)
    in vain they rush about,(P) heaping up wealth(Q)
    without knowing whose it will finally be.(R)

“But now, Lord, what do I look for?
    My hope is in you.(S)
Save me(T) from all my transgressions;(U)
    do not make me the scorn(V) of fools.
I was silent;(W) I would not open my mouth,(X)
    for you are the one who has done this.(Y)
10 Remove your scourge from me;
    I am overcome by the blow(Z) of your hand.(AA)
11 When you rebuke(AB) and discipline(AC) anyone for their sin,
    you consume(AD) their wealth like a moth(AE)
    surely everyone is but a breath.(AF)

12 “Hear my prayer, Lord,
    listen to my cry for help;(AG)
    do not be deaf(AH) to my weeping.(AI)
I dwell with you as a foreigner,(AJ)
    a stranger,(AK) as all my ancestors were.(AL)
13 Look away from me, that I may enjoy life again
    before I depart and am no more.”(AM)

Footnotes

  1. Psalm 39:1 In Hebrew texts 39:1-13 is numbered 39:2-14.
  2. Psalm 39:5 The Hebrew has Selah (a word of uncertain meaning) here and at the end of verse 11.