Mga Awit 3
Ang Biblia, 2001
Awit(A) ni David nang Takasan Niya si Absalom
3 Panginoon, ang mga kaaway ko ay dumarami!
Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
2 marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)
3 Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon,
at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)
5 Ako'y nahiga at natulog;
ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
6 Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
7 Bumangon ka, O Panginoon!
Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
iyong binasag ang mga ngipin ng masama.
8 Ang pagliligtas ay sa Panginoon;
sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Mga Awit 3
Ang Biblia (1978)
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (A)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
3 Panginoon, (B)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(C)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon (D)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (E)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (F)niya ako mula sa (G)kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y (H)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 (I)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol (J)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
