Add parallel Print Page Options

Bagaman magkampo laban sa akin ang isang hukbo,
    hindi matatakot ang aking puso;
bagaman magbangon ang digmaan laban sa akin,
    gayunman ako'y magtitiwala pa rin.

Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon,
    na aking hahanapin;
na ako'y makapanirahan sa bahay ng Panginoon,
    sa lahat ng mga araw ng aking buhay,
upang mamasdan ang kagandahan ng Panginoon,
    at sumangguni sa kanyang templo.

Sapagkat ako'y ikukubli niya sa kanyang kanlungan
    sa araw ng kaguluhan
sa ilalim ng kanyang tolda ako'y kanyang itatago,
    at itataas niya ako sa ibabaw ng isang malaking bato.

Read full chapter
'Awit 27:3-5' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

(A)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
(B)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (C)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (D)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
(E)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.

Read full chapter