Print Page Options

Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.

26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
(D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
(E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
(F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Awit ni David.

26 Pawalang-sala mo ako, O Panginoon,
    sapagkat ako'y lumakad sa aking katapatan,
    at ako'y nagtiwala sa Panginoon nang walang pag-aalinlangan.
Siyasatin mo ako, O Panginoon, at ako'y subukin,
    ang aking puso at isipan ay iyong suriin.
Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay nasa harapan ng aking mga mata,
    at ako'y lumalakad na may katapatan sa iyo.
Hindi ako umuupong kasama ng mga sinungaling na tao;
    ni sa mga mapagkunwari ay nakikisama ako.
Kinapopootan ko ang pangkat ng mga gumagawa ng kasamaan,
    at hindi ako uupong kasama ng tampalasan.

Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala;
    at magtutungo ako, O Panginoon, sa iyong dambana,
na umaawit nang malakas ng awit ng pasasalamat,
    at ang iyong kahanga-hangang mga gawa ay ibinabalitang lahat.

O Panginoon, mahal ko ang bahay na iyong tinatahanan
    at ang dakong tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
Huwag mong kunin ang aking kaluluwa kasama ng mga makasalanan,
    ni ang aking buhay na kasama ng mga taong sa dugo ay uhaw,
10 mga taong masasamang gawa ang nasa kanilang mga kamay,
    na ang kanilang kanang kamay ay punô ng mga lagay.

11 Ngunit sa ganang akin ay lalakad ako sa aking katapatan;
    tubusin mo ako, at kahabagan.
12 Sa isang patag na lupa ang paa ko'y nakatuntong,
    sa malaking kapulungan ay pupurihin ko ang Panginoon.

'Awit 26 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Panalangin ng Taong Matuwid

26 Patunayan nʼyo, Panginoon, na akoʼy walang kasalanan,
    dahil akoʼy namumuhay nang matuwid,
    at nagtitiwala sa inyo ng walang pag-aalinlangan.
Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon.
    Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan,
dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal,
    at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan.
Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap.
Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao,
    at hindi ako nakikisama sa kanila.
6-7 Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan.
    Pagkatapos, pumupunta[a] ako sa pinaghahandugan ng hayop at ibaʼt ibang ani upang sumamba sa inyo, O Panginoon,
    na umaawit ng papuriʼt pasasalamat.
    Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa.
Panginoon, mahal ko ang templo na inyong tahanan,
    na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.
9-10 Huwag nʼyo po akong parusahang kasama ng mga makasalanan,
    gaya ng mga mamamatay-tao.
    Palagi silang handang gumawa ng masama,
    at nanghihingi ng suhol.
11 Ngunit akoʼy namumuhay nang matuwid,
    kaya iligtas nʼyo ako at inyong kahabagan.

12 Ngayon, ligtas na ako sa panganib,[b]
    kaya pupurihin ko kayo, Panginoon, sa gitna ng inyong mamamayang nagtitipon-tipon.

Footnotes

  1. 26:6-7 pumupunta: sa Hebreo, iikot.
  2. 26:12 ligtas … panganib: sa literal, akoʼy nakatayo sa patag na lugar.

26 Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.

Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip.

Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata: at ako'y lumakad sa iyong katotohanan.

Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.

Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan, at hindi ako uupo na kaumpok ng masama.

Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala; sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:

Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat, at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa.

Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.

Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan, ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:

10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan, at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.

11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat: iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.

12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako: sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.