Mga Awit 149
Magandang Balita Biblia
Awit ng Pagpupuri
149 Purihin si Yahweh!
O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.
2 Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa.
3 Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.
4 Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang,
sa mga mapagpakumbaba'y tagumpay ang ibibigay.
5 Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,
sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan.
6 Papuri(A) sa ating Diyos, ipahayag nang malakas,
hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas,
7 upang bawat mga bansang nagmalabis ay gantihan,
at bigyan ang mamamayan ng parusang kailangan.
8 Mga hari't maharlika ay kanilang bibihagin,
sa tanikalang bakal, silang lahat ay gagapusin,
9 upang sila ay hatulan sang-ayon sa itinakda.
Ito ang siyang karangalan ng kanyang pinagpala.
Purihin si Yahweh!
Mga Awit 149
Ang Biblia, 2001
149 Purihin ang Panginoon!
Awitan ninyo ang Panginoon ng isang bagong awit,
ng papuri sa kanya sa kapulungan ng mga tapat!
2 Magalak nawa ang Israel sa kanyang Lumikha,
ang mga anak ng Zion sa kanilang Hari nawa'y matuwa!
3 Purihin nila ng may pagsasayaw ang pangalan niya,
na umaawit sa kanya na may pandereta at lira!
4 Sapagkat ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang bayan;
kanyang pagagandahin ng kaligtasan ang mga nahihirapan.
5 Magsaya nawa ang mga tapat sa kaluwalhatian;
umawit nawa sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa ang mataas na papuri sa Diyos sa kanilang lalamunan,
at ang tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 upang maggawad ng paghihiganti sa mga bansa,
at ng kaparusahan sa mga bayan,
8 upang gapusin sa mga tanikala ang kanilang mga hari,
at ang kanilang mga maharlika ng mga bakal na panali,
9 upang sa kanila'y ilapat ang hatol na nasusulat!
Ito ay kaluwalhatian para sa lahat niyang mga tapat!
Purihin ang Panginoon!
Mga Awit 149
Ang Biblia (1978)
Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.
149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (A)sa kapisanan ng mga banal.
2 (B)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 (C)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(D)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(E)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (F)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (G)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Psalm 149
New International Version
Psalm 149
2 Let Israel rejoice(D) in their Maker;(E)
let the people of Zion be glad in their King.(F)
3 Let them praise his name with dancing(G)
and make music to him with timbrel and harp.(H)
4 For the Lord takes delight(I) in his people;
he crowns the humble with victory.(J)
5 Let his faithful people rejoice(K) in this honor
and sing for joy on their beds.(L)
6 May the praise of God be in their mouths(M)
and a double-edged(N) sword in their hands,(O)
7 to inflict vengeance(P) on the nations
and punishment(Q) on the peoples,
8 to bind their kings with fetters,(R)
their nobles with shackles of iron,(S)
9 to carry out the sentence written against them—(T)
this is the glory of all his faithful people.(U)
Praise the Lord.
Footnotes
- Psalm 149:1 Hebrew Hallelu Yah; also in verse 9
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

