Add parallel Print Page Options

Panalangin sa Gabi

Awit ni David.

141 Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin
    sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.
Ang(A) aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso;
    itong pagtaas ng mga kamay ko.

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan,
    ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.
Huwag mong babayaang ako ay matukso,
    sa gawang masama ay magumon ako;
ako ay ilayo, iiwas sa gulo,
    sa handaan nila'y nang di makasalo.

Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako,
    ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis;
    pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.
Kung sila'y bumagsak tuloy na hatulan,
    maniniwala na ang mga nilalang na ang salita ko ay katotohanan.
Tulad ng panggatong na pira-piraso,
    sa pinaglibinga'y kakalat ang buto.

Di ako hihinto sa aking pananalig,
    ang pag-iingat mo'y aking ninanais,
    huwag mong itutulot, buhay ko'y mapatid.
Sa mga patibong ng masamang tao,
    ilayo mong lubos, ingatan mo ako.
10 Iyong pabayaang sila ang mahulog,
    samantalang ako'y ligtas mong kinupkop.

'Awit 141 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David

141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: (A)magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
(B)Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
(C)Ang pagtataas ng aking mga kamay na (D)parang hain sa kinahapunan.
(E)Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At (F)huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
(G)Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto (H)ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
Sapagka't ang mga mata ko'y (I)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
Iligtas mo ako (J)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (K)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.