Mga Awit 14
Ang Biblia (1978)
Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
14 (A)Ang (B)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(C)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(D)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 (E)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(F)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(G)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (H)kanlungan.
7 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (I)sa Sion!
Kung (J)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978