Print Page Options

Awit ng Pagpupuri kay Yahweh

117 Purihin(A) si Yahweh!

Dapat na purihin ng lahat ng bansa.
Siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa!
Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati'y dakila at wagas,
at ang katapatan niya'y walang wakas.

Purihin si Yahweh!

Awit ng Pagpapasalamat.

117 (A)Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin;
At (B)ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Bilang Pagpupuri sa Panginoon

117 Purihin(A) ang Panginoon, kayong lahat na mga bansa!
    Dakilain ninyo siya, kayong lahat na mga bayan!
Sapagkat dakila ang kanyang tapat na pag-ibig sa atin;
    at ang katapatan ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.
Purihin ang Panginoon!

'Awit 117 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

117 Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.