Add parallel Print Page Options

Awit ng Pagpupuri sa Kadakilaan ni Yahweh

111 Purihin si Yahweh!

Buong puso siyang pasasalamatan,
    aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.
Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila,
    mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;
lahat niyang gawa'y dakila at wagas,
    katuwiran niya'y hindi magwawakas.

Hindi maaalis sa ating gunita,
    si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha.
Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana;
    pangako ni Yahweh ay di nasisira.
Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay,
    nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,
    at maaasahan lahat niyang batas.
Ito ay lalagi at di magwawakas,
    pagkat ang saliga'y totoo't matapat.
Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang,
    may ipinangakong walang hanggang tipan;
    Banal at dakila ang kanyang pangalan!
10 Ang(A) pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan.
    Taong masunurin, pupurihing lubos.
Purihin ang Diyos magpakailanman!

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
(H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

'Awit 111 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.