Mga Awit 109:15
Ang Biblia (1978)
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (A)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
Mga Awit 35:4-8
Ang Biblia (1978)
4 (A)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
5 (B)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
6 Maging madilim nawa, at (C)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
7 Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (D)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
8 (E)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (F)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
Mga Awit 69:22
Ang Biblia (1978)
22 (A)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
Mga Awit 69:28
Ang Biblia (1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978