Print Page Options
'Awit 106 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.

106 (A)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(B)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(C)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
(D)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
Upang makita ko ang kaginhawahan ng (E)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
(F)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(G)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
Gayon ma'y iniligtas niya sila (H)dahil sa (I)kaniyang pangalan,
(J)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (K)natuyo:
Sa gayo'y (L)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (M)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (N)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (O)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (P)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (Q)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (R)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (S)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (T)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (U)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (V)Sila'y nagsigawa ng guya (W)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (X)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (Y)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (Z)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(AA)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (AB)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (AC)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (AD)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(AE)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (AF)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (AG)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(AH)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (AI)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (AJ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (AK)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (AL)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (AM)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (AN)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (AO)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (AP)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (AQ)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (AR)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (AS)Ginawa naman niyang sila'y (AT)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (AU)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (AV)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (AW)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang Kabutihan ng Diyos sa Kanyang Bayan

106 Purihin(A) ang Panginoon!
    O magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat siya'y mabuti;
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman.
Sinong makapagsasabi ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
    o makapagpapakita ng lahat niyang kapurihan?
Mapalad silang sumusunod sa katarungan,
    na sa lahat ng panahon ay gumagawa ng katuwiran.

Alalahanin mo ako, O Panginoon, kapag ikaw ay nagpakita sa iyong bayan ng paglingap,
    dalawin mo ako ng iyong pagliligtas;
upang makita ko ang kasaganaan ng iyong hinirang,
    upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
    upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.

Kami at ang aming mga magulang ay nagkasala;
    kami ay nakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
Hindi(B) naunawaan ng aming mga magulang
    ang iyong mga kababalaghan sa Ehipto;
hindi nila naalala ang kasaganaan ng iyong mga kagandahang-loob,
    kundi naghimagsik sa dagat, sa Dagat na Pula.
Gayunma'y iniligtas niya sila alang-alang sa kanyang pangalan,
    upang kanyang maipakilala ang kanyang malakas na kapangyarihan.
Kanyang(C) sinaway ang Dagat na Pula, at ito'y natuyo,
    pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman na parang sa ilang.
10 Kaya't iniligtas niya sila sa kamay ng namumuhi,
    at iniligtas niya sila sa kapangyarihan ng kaaway.
11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway;
    walang nalabi sa kanila kahit isa man lamang.
12 Nang(D) magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kanyang mga salita;
    inawit nila ang kanyang kapurihan.

13 Ngunit agad nilang nalimutan ang kanyang mga gawa;
    hindi nila hinintay ang kanyang payo.
14 Kundi(E) sila'y nagkaroon ng walang pakundangang pananabik nang sila'y nasa ilang,
    at tinukso nila ang Diyos sa ilang.
15 Ibinigay niya sa kanila ang kanilang hiniling,
    ngunit nagpadala ng nakapanghihinang karamdaman sa gitna nila.

16 Nang(F) ang mga tao sa kampo ay nanibugho kina Moises
    at Aaron, na banal ng Panginoon,
17 ang lupa ay bumuka, at si Datan ay nilamon,
    at tinabunan ang kay Abiram na pulutong.
18 Nagkaroon din ng sunog sa kanilang pulutong;
    sinunog ng apoy ang masasama.

19 Sila'y(G) gumawa sa Horeb ng guya,
    at sumamba sa larawang hinulma.
20 Ganito nila ipinagpalit ang kaluwalhatian
    sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nalimutan nila ang Diyos, ang kanilang Tagapagligtas,
    na gumawa ng mga dakilang bagay sa Ehipto,
22 kahanga-hangang mga gawa sa lupain ng Ham,
    at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Pula.
23 Kaya't sinabi niya na kanyang lilipulin sila—
    kung si Moises na kanyang hirang
ay hindi humarap sa kanya sa bitak,
    upang pawiin ang kanyang poot na puksain sila.

24 Kanilang(H) hinamak ang lupaing maganda,
yamang wala silang pananampalataya sa pangako niya.
25 Sila'y nagmaktol sa mga tolda nila,
    at ang tinig ng Panginoon ay hindi nila sinunod.
26 Kaya't itinaas niya ang kanyang kamay,
    na sa ilang sila'y kanyang ibubuwal,
27 at(I) ang kanilang binhi sa mga bansa ay itatapon,
    at ikakalat sila sa mga lupain.

28 At(J) iniugnay nila ang kanilang sarili sa Baal-peor,
    at kumain ng mga handog na inialay sa mga patay;
29 kanilang ginalit ang Panginoon sa pamamagitan ng mga gawa nila,
    at isang salot ang lumitaw sa gitna nila.
30 Nang magkagayo'y tumayo si Finehas at namagitan,
    at ang salot ay napigilan.
31 At iyon ay itinuring sa kanya bilang katuwiran,
    mula sa salinlahi hanggang sa salinlahi magpakailanman.
32 Kanilang(K) ginalit siya sa tubig ng Meriba,
    at ito'y naging masama kay Moises dahil sa kanila;
33 sapagkat sila'y mapanghimagsik laban sa kanyang diwa,
    at siya'y nagsalitang padalus-dalos sa kanyang mga labi.

34 Ang(L) mga bayan ay hindi nila nilipol,
    gaya ng iniutos sa kanila ng Panginoon;
35 kundi nakihalo sila sa mga bansa,
    at natuto ng kanilang mga gawa.
36 Sila'y naglingkod sa mga diyus-diyosan nila,
    na naging bitag sa kanila.
37 Kanilang(M) inialay ang kanilang mga anak na lalaki
    at ang mga anak na babae sa mga demonyo,
38 nagbuhos(N) sila ng walang salang dugo,
    ang dugo ng kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae,
na kanilang inialay sa diyus-diyosan ng Canaan;
    at ang lupain sa dugo ay nadumihan.
39 Gayon sila naging karumaldumal sa pamamagitan ng kanilang mga gawa,
    at naging upahang babae sa kanilang mga gawa.

40 Kaya't(O) nag-alab ang galit ng Panginoon laban sa kanyang bayan,
    at ang kanyang pamana ay kanyang kinasuklaman,
41 sa kamay ng mga bansa ay ibinigay niya sila,
    kaya't pinamunuan sila ng mga napopoot sa kanila.
42 Pinagmalupitan sila ng kanilang mga kalaban,
    at sila'y ipinaalipin sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
43 Iniligtas niya sila nang maraming ulit,
    ngunit sa kanilang mga payo sila'y mapanghimagsik,
    at sila'y ibinaba dahil sa kanilang kasamaan.
44 Gayunma'y pinahalagahan niya ang kanilang pagtitiis,
    nang kanyang marinig ang kanilang pagdaing.
45 Kanyang naalala alang-alang sa kanila ang kanyang tipan,
    at siya'y nagsisi ayon sa kasaganaan ng kanyang tapat na pagmamahal.
46 Ginawa niyang sila'y kaawaan
    sa harap ng lahat ng bumihag sa kanila.

47 O(P) Panginoon naming Diyos, kami ay iligtas mo,
    at mula sa mga bansa kami ay tipunin mo,
upang kami'y makapagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
    at lumuwalhati sa iyong kapurihan.

48 Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,
    mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan!
At sabihin ng buong bayan, “Amen.”
    Purihin ang Panginoon!

106 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?

Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.

Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:

Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.

Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.

Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.

Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.

Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.

10 At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.

11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.

12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.

13 Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:

14 Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.

15 At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.

16 Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.

17 Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.

18 At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,

19 Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.

20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.

21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;

22 Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.

23 Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.

24 Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;

25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.

26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang:

27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain.

28 Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.

29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.

30 Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.

31 At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.

32 Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:

33 Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.

34 Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;

35 Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:

36 At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:

37 Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,

38 At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.

39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.

40 Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.

41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.

42 Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.

43 Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan.

44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:

45 At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.

46 Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.

47 Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.

48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.

Psalm 106

A Confession of Israel’s Sins

Praise the Lord!
    O give thanks to the Lord, for he is good;
    for his steadfast love endures forever.
Who can utter the mighty doings of the Lord,
    or declare all his praise?
Happy are those who observe justice,
    who do righteousness at all times.

Remember me, O Lord, when you show favor to your people;
    help me when you deliver them;
that I may see the prosperity of your chosen ones,
    that I may rejoice in the gladness of your nation,
    that I may glory in your heritage.

Both we and our ancestors have sinned;
    we have committed iniquity, have done wickedly.
Our ancestors, when they were in Egypt,
    did not consider your wonderful works;
they did not remember the abundance of your steadfast love,
    but rebelled against the Most High[a] at the Red Sea.[b]
Yet he saved them for his name’s sake,
    so that he might make known his mighty power.
He rebuked the Red Sea,[c] and it became dry;
    he led them through the deep as through a desert.
10 So he saved them from the hand of the foe,
    and delivered them from the hand of the enemy.
11 The waters covered their adversaries;
    not one of them was left.
12 Then they believed his words;
    they sang his praise.

13 But they soon forgot his works;
    they did not wait for his counsel.
14 But they had a wanton craving in the wilderness,
    and put God to the test in the desert;
15 he gave them what they asked,
    but sent a wasting disease among them.

16 They were jealous of Moses in the camp,
    and of Aaron, the holy one of the Lord.
17 The earth opened and swallowed up Dathan,
    and covered the faction of Abiram.
18 Fire also broke out in their company;
    the flame burned up the wicked.

19 They made a calf at Horeb
    and worshiped a cast image.
20 They exchanged the glory of God[d]
    for the image of an ox that eats grass.
21 They forgot God, their Savior,
    who had done great things in Egypt,
22 wondrous works in the land of Ham,
    and awesome deeds by the Red Sea.[e]
23 Therefore he said he would destroy them—
    had not Moses, his chosen one,
stood in the breach before him,
    to turn away his wrath from destroying them.

24 Then they despised the pleasant land,
    having no faith in his promise.
25 They grumbled in their tents,
    and did not obey the voice of the Lord.
26 Therefore he raised his hand and swore to them
    that he would make them fall in the wilderness,
27 and would disperse[f] their descendants among the nations,
    scattering them over the lands.

28 Then they attached themselves to the Baal of Peor,
    and ate sacrifices offered to the dead;
29 they provoked the Lord to anger with their deeds,
    and a plague broke out among them.
30 Then Phinehas stood up and interceded,
    and the plague was stopped.
31 And that has been reckoned to him as righteousness
    from generation to generation forever.

32 They angered the Lord[g] at the waters of Meribah,
    and it went ill with Moses on their account;
33 for they made his spirit bitter,
    and he spoke words that were rash.

34 They did not destroy the peoples,
    as the Lord commanded them,
35 but they mingled with the nations
    and learned to do as they did.
36 They served their idols,
    which became a snare to them.
37 They sacrificed their sons
    and their daughters to the demons;
38 they poured out innocent blood,
    the blood of their sons and daughters,
whom they sacrificed to the idols of Canaan;
    and the land was polluted with blood.
39 Thus they became unclean by their acts,
    and prostituted themselves in their doings.

40 Then the anger of the Lord was kindled against his people,
    and he abhorred his heritage;
41 he gave them into the hand of the nations,
    so that those who hated them ruled over them.
42 Their enemies oppressed them,
    and they were brought into subjection under their power.
43 Many times he delivered them,
    but they were rebellious in their purposes,
    and were brought low through their iniquity.
44 Nevertheless he regarded their distress
    when he heard their cry.
45 For their sake he remembered his covenant,
    and showed compassion according to the abundance of his steadfast love.
46 He caused them to be pitied
    by all who held them captive.

47 Save us, O Lord our God,
    and gather us from among the nations,
that we may give thanks to your holy name
    and glory in your praise.

48 Blessed be the Lord, the God of Israel,
    from everlasting to everlasting.
And let all the people say, “Amen.”
    Praise the Lord!

Footnotes

  1. Psalm 106:7 Cn Compare 78.17, 56: Heb rebelled at the sea
  2. Psalm 106:7 Or Sea of Reeds
  3. Psalm 106:9 Or Sea of Reeds
  4. Psalm 106:20 Compare Gk Mss: Heb exchanged their glory
  5. Psalm 106:22 Or Sea of Reeds
  6. Psalm 106:27 Syr Compare Ezek 20.23: Heb cause to fall
  7. Psalm 106:32 Heb him