Mga Awit 102:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Ang buhay kong taglay ay parang anino;
katulad ko ngayo'y natuyo nang damo.
12 Ngunit ikaw, Yahweh, ay haring walang hanggan,
di ka malilimot ng buong kinapal.
13 Ikaw ay mahabag, tulungan ang Zion,
pagkat dumating na ang takdang panahon,
sa kalagayan niya ay dapat tumulong.
Mga Awit 102:11-13
Ang Biblia (1978)
11 (A)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (B)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (C)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (D)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (E)ang takdang panahon ay dumating.
Mga Awit 102:11-13
Ang Biblia, 2001
11 Gaya ng lilim sa hapon ang mga araw ko;
ako'y natutuyo na parang damo.
12 Ngunit ikaw, O Panginoon, ay mamamalagi magpakailanman;
namamalagi sa lahat ng salinlahi ang iyong pangalan.
13 Ikaw ay babangon at sa Zion ay maaawa,
sapagkat panahon na upang maawa ka sa kanya;
ang takdang panahon ay dumating na.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.