Awit 101
Ang Dating Biblia (1905)
101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan: sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.
3 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.
4 Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin: hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal: siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko: siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay: siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain; upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon.
Salmo 101
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pangako ng Hari
101 Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan.
Aawit ako ng mga papuri sa inyo.
2 Mamumuhay ako nang walang kapintasan.
Kailan nʼyo ako lalapitan?
Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan,[a]
3 at hindi ko hahayaan ang kasamaan.
Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios,
at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.
4 Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip;
hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.
5 Sinumang lihim na naninira sa kanyang kapwa ay aking wawasakin.
Ang mga hambog at mapagmataas ay hindi ko palalagpasin.
6 Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat sa Dios at namumuhay nang matuwid;
silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.
7 Ang mga mandaraya at mga sinungaling ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.
8 Bawat araw ay lilipulin ko ang mga taong masama;
mawawala sila sa bayan ng Panginoon.
Footnotes
- 101:2 tahanan: o, kaharian.
Mga Awit 101
Ang Biblia (1978)
Awit ni David.
101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:
Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:
Oh kailan ka pasasa akin?
Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na (A)may sakdal na puso.
3 Hindi ako maglalagay (B)ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:
(C)Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:
Hindi kakapit sa akin.
4 (D)Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:
(E)Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa (F)ay aking ibubuwal:
Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:
Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:
Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;
Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan (G)sa bayan ng Panginoon.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.