Mateo 5:21-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Turo tungkol sa Galit
21 Sinabi pa ni Jesus, “Narinig ninyo na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Huwag kayong papatay,[a] dahil ang sinumang pumatay ay parurusahan.’ 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang may galit sa kanyang kapatid ay parurusahan din. At ang humamak sa kanyang kapatid at magsabi sa kanya, ‘Wala kang silbi!’ ay dadalhin sa mataas na hukuman. At ang sinumang magsabi ng ‘Ulol ka!’ sa kanyang kapatid ay mapupunta sa apoy ng impyerno.
Read full chapterFootnotes
- 5:21 Exo. 20:13; Deu. 5:17.
Mateo 5:27-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Turo tungkol sa Pangangalunya
27 “Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Huwag kang mangangalunya.’[a] 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang tumingin lang sa isang babae nang may masamang pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.
Read full chapterFootnotes
- 5:27 Deu. 5:18.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®