Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko(A)

Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sarili niyang bayan. Pagdating doon, dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” May ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon at sinabi nila sa kanilang sarili, “Nilalapastangan niya ang Diyos.” Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Ano ba ang mas madali, ang sabihing, ‘pinapatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihing, ‘tumayo ka at lumakad’? Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa…” sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!” Tumayo nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito ng mga tao, sila'y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao.

Tinawag si Mateo(B)

Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya.

10 Nang(C) si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila'y magkakasalong kumain. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit nakikisalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” 12 Narinig sila ni Jesus at siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 13 Humayo(D) kayo at unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi handog.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.”

Tinanong si Jesus tungkol sa Pag-aayuno(E)

14 Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo, at siya'y tinanong, “Kami po ay [madalas][a] mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo, ngunit bakit hindi po nag-aayuno ang inyong mga alagad?” 15 Sumagot siya, “Dapat bang malungkot ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ito, saka pa lamang sila mag-aayuno.

16 “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa isang lumang kasuotan. Sapagkat kapag umurong ang bagong tela, mababatak nito ang tinagpian at lalong lalaki ang punit. 17 Wala ring nagsasalin ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ganoon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip, isinasalin ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat; at sa gayon, kapwa ito nagtatagal.”

Pagbuhay na Muli sa Anak ng Pinuno at Pagpapagaling sa Isang Babae(F)

18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, may dumating namang isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harap niya at nakiusap, “Kamamatay po lamang ng aking anak na babae; sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, at siya'y mabubuhay.” 19 Tumayo si Jesus at sumama sa kanya, gayundin ang kanyang mga alagad.

20 Habang sila'y naglalakad, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. 21 Sinabi ng babae sa sarili, “Mahawakan ko lamang ang kanyang damit, gagaling na ako.” 22 Lumingon si Jesus at pagkakita sa kanya'y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y gumaling ang babae.

23 Pagdating ni Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang mga taong nagkakaingay. 24 Sinabi niya, “Lumabas muna kayo. Hindi patay ang bata; natutulog lamang!” At siya'y pinagtawanan nila. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Jesus sa kuwarto, hinawakan niya sa kamay ang bata at ito'y bumangon. 26 Ang pangyayaring ito ay ipinamalita ng mga tao sa buong lupaing iyon.

Ang Pagpapagaling sa Dalawang Bulag

27 Pag-alis ni Jesus doon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila habang nasa daan, “Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!”

28 Pagpasok ni Jesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Jesus, “Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo?” “Opo, Panginoon!” sagot nila. 29 Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari ang ayon sa inyong pananampalataya.” 30 At nakakita nga sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na huwag sasabihin iyon kaninuman. 31 Ngunit nang sila'y makaalis, ipinamalita nila sa buong lupaing iyon ang ginawa sa kanila ni Jesus.

Pinagaling ang Piping Sinasaniban ng Demonyo

32 Nang paalis na sila, dinala kay Jesus ang isang piping sinasapian ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita agad ang pipi. Namangha ang mga tao at nasabi nila, “Kailanman ay wala pang nakitang katulad nito sa Israel!” [34 Subalit(G) sinabi naman ng mga Pariseo, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo.”][b]

Nahabag si Jesus sa mga Tao

35 Nilibot(H) ni Jesus ang lahat ng mga bayan at nayon doon. Nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. 36 Nang(I) makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol. 37 Kaya't(J) sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. 38 Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

Footnotes

  1. 14 madalas: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang salitang ito.
  2. 34 Subalit sinabi…ng mga demonyo: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang talatang 34.

Vindecarea unui slăbănog

Isus S-a suit într-o corabie, a trecut marea şi(A) a venit în cetatea Sa. Şi(B) iată că I-au adus un slăbănog, care zăcea într-un pat. Isus le-a văzut(C) credinţa şi a zis slăbănogului: „Îndrăzneşte, fiule! Păcatele îţi sunt iertate!” Şi iată că unii din cărturari au zis în ei înşişi: „Omul acesta huleşte!” Isus, care le cunoştea(D) gândurile, a zis: „Pentru ce aveţi gânduri rele în inimile voastre? Căci ce este mai lesne? A zice: ‘Iertate îţi sunt păcatele’ sau a zice: ‘Scoală-te şi umblă?’ Dar, ca să ştiţi că Fiul omului are putere pe pământ să ierte păcatele –, Scoală-te”, a zis El slăbănogului, „ridică-ţi patul, şi du-te acasă.” Slăbănogul s-a sculat şi s-a dus acasă. Când au văzut noroadele lucrul acesta, s-au înspăimântat şi au slăvit pe Dumnezeu, care a dat oamenilor o astfel de putere.

Chemarea lui Matei

De acolo, Isus a mers(E) mai departe şi a văzut pe un om, numit Matei, şezând la vamă. Şi i-a zis: „Vino după Mine”. Omul acela s-a sculat şi a mers după El. 10 Pe(F) când şedea Isus la masă, în casă, iată că au venit o mulţime de vameşi şi păcătoşi şi au şezut la masă cu El şi cu ucenicii Lui. 11 Fariseii au văzut lucrul acesta şi au zis ucenicilor Lui: „Pentru ce mănâncă Învăţătorul vostru cu vameşii(G) şi cu păcătoşii(H)?” 12 Isus i-a auzit şi le-a zis: „Nu cei sănătoşi au trebuinţă de doctor, ci cei bolnavi. 13 Duceţi-vă de învăţaţi ce înseamnă: ‘Milă(I) voiesc, iar nu jertfă!’ Căci n-am venit să chem la pocăinţă pe cei neprihăniţi, ci(J) pe cei păcătoşi.”

Întrebarea ucenicilor lui Ioan despre post

14 Atunci, ucenicii lui Ioan au venit la Isus şi I-au zis: „De(K) ce noi şi fariseii postim des, iar ucenicii Tăi nu postesc deloc?” 15 Isus le-a răspuns: „Se pot jeli nuntaşii(L) câtă vreme este mirele cu ei? Vor veni zile când mirele va fi luat de la ei, şi atunci(M) vor posti. 16 Nimeni nu pune un petic de postav nou la o haină veche; pentru că şi-ar lua umplutura din haină, şi ruptura ar fi mai rea. 17 Nici nu pun oamenii vin nou în burdufuri vechi; altfel, burdufurile plesnesc, vinul se varsă, şi burdufurile se prăpădesc; ci vinul nou îl pun în burdufuri noi, şi se păstrează amândouă.”

Învierea fiicei lui Iair şi vindecarea unei femei

18 Pe când(N) le spunea Isus aceste vorbe, iată că a venit unul din fruntaşii sinagogii, I s-a închinat şi I-a zis: „Fiica mea adineauri a murit, dar vino de pune-Ţi mâinile peste ea, şi va învia”. 19 Isus S-a sculat şi a plecat după el, împreună cu ucenicii Lui. 20 Şi(O) iată că o femeie, care de doisprezece ani avea o scurgere de sânge, a venit pe dinapoi şi s-a atins de poala hainei Lui. 21 Căci îşi zicea ea: „Numai să mă pot atinge de haina Lui şi mă voi tămădui”. 22 Isus S-a întors, a văzut-o şi i-a zis: „Îndrăzneşte, fiică! Credinţa(P) ta te-a tămăduit”. Şi s-a tămăduit femeia chiar în ceasul acela. 23 Când(Q) a ajuns Isus în casa fruntaşului sinagogii(R) şi când a văzut pe cei ce cântau din fluier şi gloata bocind, 24 le-a zis: „Daţi-vă la o parte(S), căci fetiţa n-a murit, ci doarme!” Ei îşi băteau joc de El. 25 Dar, după ce a fost scoasă gloata, Isus a intrat înăuntru, a luat pe fetiţă de mână, şi fetiţa s-a sculat. 26 Şi s-a dus vestea despre această minune în tot ţinutul acela.

Vindecarea a doi orbi

27 Când a plecat de acolo, s-au luat după Isus doi orbi, care strigau şi ziceau: „Ai milă de noi, Fiul(T) lui David!” 28 După ce a intrat în casă, orbii au venit la El. Şi Isus le-a zis: „Credeţi că pot face lucrul acesta?” „Da, Doamne”, I-au răspuns ei. 29 Atunci S-a atins de ochii lor şi a zis: „Facă-vi-se după credinţa voastră!” 30 Şi li s-au deschis ochii. Isus le-a poruncit cu tot dinadinsul şi le-a zis: „Vedeţi(U) să nu ştie nimeni”. 31 Dar(V) ei, cum au ieşit, au răspândit vestea despre El în tot ţinutul acela.

Vindecarea unui mut îndrăcit

32 Pe(W) când plecau orbii aceştia, iată că au adus la Isus un mut îndrăcit. 33 După ce a fost scos dracul din el, mutul a vorbit. Şi noroadele, mirate, ziceau: „Niciodată nu s-a văzut aşa ceva în Israel!” 34 Dar fariseii ziceau: „Cu ajutorul domnului dracilor scoate El(X) dracii!”

Lui Isus Îi este milă de gloate

35 Isus străbătea(Y) toate cetăţile şi satele, învăţând(Z) pe norod în sinagogi, propovăduind Evanghelia Împărăţiei şi vindecând orice fel de boală şi orice fel de neputinţă, care era în norod. 36 Când(AA) a văzut gloatele, I s-a făcut milă de ele, pentru că erau necăjite şi risipite, ca(AB) nişte oi care n-au păstor. 37 Atunci a zis ucenicilor Săi: „Mare este secerişul(AC), dar puţini sunt lucrătorii! 38 Rugaţi dar(AD) pe Domnul secerişului să scoată lucrători la secerişul Lui.”

(A)At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, (B)at dumating sa kaniyang sariling bayan.

At narito, dinala nila (C)sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at (D)nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.

At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong.

At (E)pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan, ay sinabi, Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso?

Sapagka't alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at lumakad ka?

Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay.

At nagtindig siya, at umuwi sa kaniyang bahay.

Datapuwa't nang makita ito ng karamihan, ay nangatakot sila, at kanilang niluwalhati ang Dios, na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao.

(F)At pagdaraan doon ni Jesus, ay nakita niya ang isang tao, na kung tawagi'y Mateo, na nakaupo sa paningilan ng buwis: at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At siya'y nagtindig, at sumunod sa kaniya.

10 At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang (G)maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.

11 At nang makita ito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga (H)maniningil ng buwis at mga makasalanan?

12 Datapuwa't nang ito'y marinig niya, ay kaniyang sinabi, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.

13 Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, (I)Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.

14 (J)Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo (K)ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo?

15 At sinabi sa kanila ni Jesus, (L)Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.

16 At sinoma'y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka't ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit.

17 Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok (M)ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.

18 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito (N)sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno, at siya'y (O)sinamba, na nagsasabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae: datapuwa't halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya'y mabubuhay.

19 At si Jesus ay nagtindig, at sumama sa kaniya, pati ng kaniyang mga alagad.

20 At narito, isang babaing (P)inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang (Q)laylayan ng kaniyang damit:

21 Sapagka't sinabi niya sa kaniyang kalooban, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.

22 Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng (R)iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon.

23 At (S)nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno, at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta, at ang mga taong nangagkakagulo,

24 Ay sinabi niya, Magparaan kayo: sapagka't hindi patay ang dalaga, kundi (T)natutulog. At tinawanan nila siya na nililibak.

25 Datapuwa't nang mapalabas na ang mga tao, ay pumasok siya, at tinangnan niya siya sa kamay; at nagbangon ang dalaga.

26 At kumalat ang pagkabantog na ito sa buong lupang yaon.

27 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, (U)Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.

28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.

29 Nang magkagayo'y (V)kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, (W)Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.

30 At nangadilat ang kanilang mga mata. (X)At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, (Y)Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito.

31 Datapuwa't sila'y nagsialis, at (Z)kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon.

32 At samantalang sila'y nagsisialis, (AA)narito, sa kaniya'y dinala ang isang lalaking pipi na (AB)inaalihan ng demonio.

33 At nang mapalabas ang demonio, ay nagsalita ang lalaking pipi: at nangagtaka ang mga karamihan, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi nakita sa Israel ang ganito.

34 Datapuwa't sinabi ng mga Fariseo, (AC)sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

35 At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, (AD)at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman.

36 Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay (AE)nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na (AF)gaya ng mga tupa na walang pastor.

37 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, (AG)Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.

38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.