Add parallel Print Page Options

16 Sinabi pa ni Jesus, “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit, dahil kapag nilabhan uurong[a] ang bagong tela at lalo pang lalaki ang punit. 17 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at pareho silang magtatagal.”

Ang Anak ng Pinuno at ang Babaeng Dinudugo(A)

18 Habang sinasabi niya ang mga ito, dumating ang isang namumuno ng sambahan ng mga Judio. Lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, “Kamamatay lang po ng anak kong babae, pero kung pupuntahan nʼyo siya at ipapatong ang inyong kamay sa kanya, mabubuhay siyang muli.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:16 uurong: sa Ingles, “shrink.”

16 Walang taong gumagamit ng hindi pa pinaurong na tela upang itagpi sa lumang damit, sapagkat babatakin ng itinagping tela ang damit, at lalong magiging malaki ang sira. 17 Hindi rin inilalagay ang bagong alak sa mga lumang lalagyang balat. Kapag ganoon ang ginawa, puputok ang mga balat, matatapon ang alak, at magpupunit-punit ang mga balat. Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa mga bagong lalagyang balat, at pareho silang magtatagal.”

Muling Binuhay ang Anak ng Pinuno at Pinagaling ang Isang Babae(A)

18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga ito sa kanila, dumating ang isang pinuno at nanikluhod sa kanya. “Kamamatay po lamang ng aking anak na babae, ngunit puntahan ninyo at ipatong ang inyong kamay sa kanya, at siya'y mabubuhay.”

Read full chapter