Add parallel Print Page Options

Nilinis ni Jesus ang Lalaking Ketongin

Nang siya ay bumaba mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao.

Narito, may lumapit na isang ketongin at sinamba siya na sinasabi: Panginoon kung ibig mo ay malilinis mo ako.

Iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinipo siya na sinasabi: Ibig ko. Maging malinis ka. Kaagad-agad na luminis ang kaniyang ketong. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tiyakin mong huwag sabihin ito sa kaninuman kundi lumakad ka at magpakita ka sa mga saserdote. Maghain ka ng kaloob ayon sa inutos ni Moises bilang patotoo sa kanila.

Ang Kapitan ay Nanampalataya

Nang pumasok na si Jesus sa Capernaum, may lumapit sa kaniya na isang kapitan na namamanhik sa kaniya.

Sinabi ng kapitan: Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, lumpo at lubhang nahihirapan.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ay paroroon at pagagalingin ko siya.

Ngunit sumagot ang kapitan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa aking bahay. Ngunit magsalita ka lamang at mapapagaling mo na ang aking lingkod. Ito ay sapagkat ako rin naman ay isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan na may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isang tao: Pumaroon ka. At pumaparoon siya. Sinasabi ko naman sa iba: Halika. At lumalapit siya. Sa aking alipin naman ay sinasabi ko: Gawin mo ito. At kaniya itong ginagawa.

10 Namangha si Jesus nang marinig niya ito. Sinabi niya sa mga sumusunod sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kahit sa mga taga-Israel ay hindi ko nasumpungan ang ganito kalaking pananampalataya. 11 Sinasabi ko sa inyo na marami ang manggagaling sa silangan at kanluran at kakaing kasama ni Abraham, Isaac at Jacob sa paghahari ng langit. 12 Ngunit ang mga anak ng paghahari ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.

13 Sinabi ni Jesus sa kapitan: Lumakad ka na. Mangyayari ang ayon sa pananampalataya mo. At ang kaniyang lingkod ay gumaling sa oras ding iyon.

Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao

14 Nang dumating si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang kaniyang biyenang babae na nakahiga at nilalagnat.

15 Hinipo ni Jesus ang kamay nito at nawala ang lagnat. At siya ay bumangon at naglingkod sa kanila.

16 Kinagabihan, dinala nila sa kaniya ang maraming tao na inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga maysakit. 17 Ito ay upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias na mangyayari. Sinasabi niya:

Kinuha niya ang ating mga kahinaan at dinala niya ang ating mga sakit.

Ang Halaga ng Pagsunod kay Jesus

18 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa palibot niya, nag-utos siya upang tumawid sa kabilang ibayo ng lawa.

19 May lumapit sa kaniya na isang guro ng kautusan. Sinabi nito sa kaniya: Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.

20 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang mga sora ay may mga lungga at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad. Ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapaghihiligan ng kaniyang ulo.

21 At isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi: Panginoon, pahintulutan mo muna akong makauwi upang ilibing ang aking ama.

22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Bayaan mong ilibing ng patay ang kanilang patay.

Pinatigil ni Jesus ang Bagyo

23 Pagkasakay niya sa isang bangka, sumunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad.

24 Narito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa lawa. Ang bangka ay natatabunan ng malalakas na alon. Ngunit si Jesus ay natutulog. 25 Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at ginising siya. Sinabi nila: Panginoon, iligtas mo kami, napapahamak kami.

26 Sinabi ni Jesus sa kanila: Bakit kayo natatakot? O, kayong maliliit ang pananampalataya. Nang magkagayon, bumangon siya at sinaway ang mga hangin at ang mga alon. At nagkaroon ng isang malaking katahimikan.

27 Ngunit ang mga lalaki ay namangha at nagsabi: Anong uri ng tao ito na maging ang mga hangin at dagat ay tumatalima sa kaniya?

Pinagaling ni Jesus ang Dalawang Inaalihan ng Demonyo

28 Pagdating niya sa kabilang ibayo ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng mga demonyo. Sila ay nanggaling sa libingan at totoong napakabangis. Kaya walang sinumang maglakas-loob na dumaan sa daang iyon.

29 Narito, sila ay sumigaw na sinabi: Ano ang kinalaman ng bagay na ito sa amin at sa iyo Jesus, ikaw na Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami bago pa man dumating ang panahon?

30 Sa hindi kalayuan ay may isang kawan ng maraming baboy na nanginginain. 31 Nagmakaawa ang mga demonyo sa kaniya. Sinabi nila: Kapag palalayasin mo kami, pahintulutan mo kaming pumaroon sa kawan ng mga baboy.

32 Sinabi niya sa kanila: Pumaroon kayo. Pagkalabas nila, pumasok sila sa kawan ng mga baboy. Narito, ang buong kawan ng baboy ay tumakbong padaluhong sa isang malalim na bangin at nahulog sa kalalim-laliman ng lawa at nalunod. 33 Ang mga tagapag-alaga ay tumakbo at pumunta sa lungsod. Ipinamalita nila ang lahat ng nangyari at ang sinapit ng mga inalihan ng mga demonyo. 34 Narito, ang buong mamamayan sa lungsod ay lumabas upang salubungin si Jesus. Nang makita nila siya, nagmakaawa sila sa kaniya na umalis na sa kanilang lupain at sa mga hangganan nito.

Pinagaling ni Jesus ang Paralitiko

Sumakay siya sa isang bangka. Tumawid siya sa ibayo at dumating sa kaniyang sariling lungsod.

Narito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralitiko na nakahiga sa isang higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko: Anak, lakasan mo ang iyong loob. Pinatawad na ang lahat mong kasalanan.

Narito, may ilan sa mga guro ng kautusan ang nagsabi sa kanilang sarili: Namumusong ang taong ito.

Si Jesus na nakakaalam ng kanilang mga iniisip ay nagsabi: Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso? Ito ay sapagkat alin ba ang higit na madali, ang sabihin: Ang kasalanan mo ay pinatawad na, o ang sabihin: Bumangon ka at lumakad? Ginawa ko ito upang inyong malaman na ako, ang Anak ng Tao ay may kapamahalaang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa. At sasabihin ko sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan. Umuwi ka na sa bahay ninyo. Siya ay bumangon at umalis pauwi sa bahay niya.

Nang makita ito ng napakaraming tao ay namangha sila. Niluwalhati nila ang Diyos na nagbigay ng gayong kapama­halaan sa mga tao.

Tinawag ni Jesus si Mateo

Sa patuloy na paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa paningilan ng buwis na ang pangalan ay Mateo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Tumindig siya at sumunod sa kaniya.

10 Nangyari, na nang si Jesus ay nakaupo sa hapag-kainan ng bahay, narito, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila ay umupo upang kumaing kasama niya at ang kaniyang mga alagad. 11 Nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad: Bakit ang guro ninyo ay kumakaing kasalo ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan?

12 Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. 13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang kahulugan nito. Habag ang ibig ko at hindi hain sapagkat naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi.

Tinanong ng mga Alagad ni Juan si Jesus Patungkol sa Pag-aayuno

14 Nang magkagayon, lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi: Bakit kami at ang mga Fariseo ay madalas mag-ayuno ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?

15 Sinabi ni Jesus sa kanila: Maaari bang mamighati ang mga abay sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay aalisin sa kanila. Kung magkagayon, mag-aayuno na sila.

16 Walang taong nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit sapagkat ang tagpi ay bumabatak sa damit at lalong lumalaki ang punit. 17 Hindi rin isinasalin ng sinumang tao ang bagong alak sa mga lumang sisidlang-balat. Kung magkakagayon, puputok ang mga sisidlang-balat. Ngunit isinasalin nila ang bagong alak sa mga bagong sisidlang-balat at kapwa silang tatagal.

Ang Babaeng Maysakit at Batang Babaeng Patay

18 Samantalang sinasabi niya ang mga bagay na iyon sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno. Sinamba siya at kaniyang sinabi: Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae. Ngunit sumama ka sa akin at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya at mabubuhay siya.

19 Tumindig si Jesus at sumama sa kaniya at gayundin ang kaniyang mga alagad.

20 At narito, isang babaeng may labindalawang taon nang dinudugo ang lumapit sa kaniyang likuran. Hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus. 21 Ito ay sapagkat iniisip ng babae: Kung mahihipo ko lamang ang kaniyang damit, gagaling na ako.

22 Ngunit lumingon si Jesus at pagkakita niya sa kaniya, sinabi niya: Anak, lakasan mo ang iyong loob. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At ang babae ay gumaling mula sa oras na iyon.

23 Nang dumating si Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga tumutugtog ng plawta at ang maraming tao na nagkakagulo. 24 Sinabi niya sa kanila: Lumabas na kayo sapagkat ang batang babae ay hindi patay kundi natutulog lamang. At pinagtawanan nila siya. 25 Nang mapalabas na niya ang mga tao, pumasok siya. Hinawakan niya ang kamay ng batang babae at siya ay bumangon. 26 At napabalita ang pangyayaring ito sa buong lupaing iyon.

Pinagaling ni Jesus ang Bulag at Pipi

27 Nang lisanin ni Jesus ang dakong iyon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sila ay sumisigaw na sinasabi: Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa amin.

28 Pagpasok niya sa bahay, lumapit ang dalawang lalaki sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila: Sumasampalataya ba kayong magagawa ko ito?

Sinabi nila sa kaniya:Oo, Panginoon.

29 Nang magkagayon, hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi: Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya. 30 Namulat ang kanilang mga mata. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na sinasabi: Huwag ninyong sabihin ito kahit na kanino. 31 Ngunit nang makaalis na sila, ikinalat nila ang nangyari sa buong lupaing iyon.

32 Nang sila ay papaalis na, narito, may mga taong nagdala sa kaniya ng isang lalaking pipi na inaalihan ng demonyo. 33 Nang mapalayas na niya ang demonyo, nagsalita ang pipi. Ang napakaraming tao ay namangha na sinasabi: Kailanman ay hindi pa nasaksihan sa Israel ang ganito.

34 Ngunit sinabi ng mga Fariseo: Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo.

Kakaunti ang mga Manggagawa

35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng lungsod at nayon. Siya ay nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at nangangaral ng ebanghelyo ng paghahari. Siya ay nagpagaling ng lahat ng uri ng mga sakit at karamdaman.

36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat nanlulu­paypay sila at nangalat katulad ng mga tupang walang pastol. 37 Nang magkagayon, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Totoong marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa. 38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng anihan na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.

Sinugo ni Jesus ang Labindalawang Alagad

10 Tinawag niya at pinalapit ang kaniyang labindalawang alagad. Pagkatapos, binigyan niya sila ng kapama­halaan upang magpalabas ng mga karumal-dumal na espiritu. Binigyan din niya sila ng kapamahalaang magpagaling ng lahat ng uri ng sakit at lahat ng uri ng karamdaman.

Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una ay si Simon na tinatawag na Pedro at ang kaniyang kapatid na si Andres. Si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kaniyang kapatid na si Juan. Sina Felipe, Bartolome at Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis. Si Santiago na anak ni Alfeoat si Leveo na tinatawag na Tadeo. Si Simon na kabilangsa Makabayan at si Judas na taga-Keriot, na nagkanulo sa kaniya.

Ang labindalawang ito ay sinugo ni Jesus. Sila ay inutusan niya na sinasabi: Huwag kayong pupunta sa daan ng mga Gentil at huwag kayong papasok sa alin mang lungsod ng mga taga-Samaria. Sa halip, pumunta kayo sa nawawalang tupa sa sambahayan ni Israel. Sa inyong paghayo, ito ang inyong ipangangaral: Ang paghahari ng langit ay nalalapit na. At pagalingin ninyo ang mga maysakit at linisin ninyo ang mga ketongin. Buhayin ninyo ang mga patay at magpalayas kayo ng mga demonyo. Ang tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad. Huwag kayong magbaon ng ginto, o pilak o tanso man sa inyong mga pamigkis. 10 Huwag kayong magbaon ng bayong sa inyong paglalakbay, o ng dalawang balabal, o panyapak o ng tungkod man sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang pagkain.

11 Kapag pumasok kayo sa anumang lungsod o bayan, alamin ninyo kung sino ang karapat-dapat doon. Tumuloy kayo sa kanila hanggang sa inyong pag-alis. 12 Pagpasok ninyo sa isang bahay, bumati kayo sa kanila. 13 Kung ang bahay ay karapat-dapat, sumakanila nawa ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, bumalik nawa sa inyo ang inyong kapayapaan. 14 Ang sinumang hindi tumanggap sa inyo, ni makinig sa inyong mga salita, lumabas kayo sa bahay, o lungsod na iyon. Paglabas ninyo, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. 15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa araw ng paghatol ay higit na magaan ang parusa sa lupain ng Sodoma at Gomora kaysa sa lungsod na iyon. 16 Narito, sinusugo ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya nga, magpakatalino kayong katulad ng mga ahas at maging maamong katulad ng mga kalapati.

17 Mag-ingat kayo sa mga tao sapagkat ibibigay nila kayo sa mga sanggunian. Hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga. 18 Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin. Ihaharap kayo sa kanila upang magbigay ng patotoo laban sa kanila at sa mga Gentil. 19 Ngunit kapag ibinigay nila kayo, huwag kayong mag-alala kung papaano o ano ang inyong sasabihin sapagkat sa oras ding iyon ay ipagkakaloob sa inyo kung ano ang inyong sasabihin. 20 Ito ay sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

21 Ipapapatay ng kapatid ang kaniyang kapatid at ng ama ang kaniyang anak. Ang mga anak ay maghihimagsik laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay sila. 22 Kapopootan kayo ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. Ngunit ang magtiis hanggang sa wakas ang siyang maliligtas. 23 Ngunit kapag inuusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo patungo sa iba sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi pa ninyo natatapos libutin ang mga lungsod ng Israel, darating na ang Anak ng Tao.

24 Ang alagad ay hindi nakakahigit sa kaniyang guro at ang alipin ay hindi nakakahigit sa kaniyang panginoon. 25 Sapat na sa alagad na matulad sa kaniyang guro at ang alipin ay matulad sa kaniyang panginoon. Kung tinatawag nila ang may-ari ng sambahayan na Beelzebub, gaano pa kaya na kanilang sasabihin iyon sa mga kabahagi ng sambahayan.

26 Huwag nga kayong matakot sa kanila sapagkat walang anumang natatakpan na hindi mahahayag, at walang anumang natatago na hindi malalaman. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay sabihin ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong ay ipahayag ninyo mula sa mga bubungan ng bahay. 28 Huwag kayong matakot sa mga pumapatay sa katawan ngunit hindi makakapatay sa kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na makakapatay kapwa ng kaluluwa at ng katawan sa impiyerno. 29 Hindi ba ipinagbibili ang dalawang maya ng isang sentimo? Gayunman, kahit isa sa kanila ay hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahihintulutan ng iyong Ama. 30 Maging ang mga buhok ninyo sa inyong mga ulo ay bilang niya ang lahat. 31 Kaya nga, huwag kayong matakot sapagkat higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya.

32 Kaya nga, ang sinumang maghahayag sa akin sa harap ng mga tao ay ihahayag ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit. 33 Ngunit ang sinumang magkakaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.

34 Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdalang kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito upang magdalang kapayapaan kundi ng tabak. 35 Naparito ako upang paghimagsikin

ang isang tao laban sa kaniyang ama. Papaghimagsikin ko ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.

36 Ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sariling kasambahay.

37 Ang umiibig sa kaniyang ama o ina ng higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang sinumamg umiibig sa kaniyang anak na lalaki, o anak na babae nang higit sa akinay hindi karapat-dapat sa akin. 38 Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang sinumang makakasumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ang sinumang mawawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpung nito.

40 Siya na tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at siya na tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Siya na tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng isang propeta ay tatanggap ng gantimpalang ukol sa propeta. Siya na tumatanggap sa isang taong matuwid ay tatanggap ng gantimpalang ukol sa taong matuwid. 42 Ang sinumang magbigay ng maiinom sa isa sa mga maliliit na ito kahit isang basong malamig na tubig dahil sa pangalan ng isang alagad, sinasabi ko sa inyo ang totoo: Hindi siya mawawalan ng gantimpala.

Si Jesus at si Juan na Tagapagbawtismo

11 Nangyari nang matapos magbigay ng utos si Jesus sa kaniyang labindalawang alagad, umalis siya roon upang magturo at mangaral sa kanilang mga lungsod.

Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, nagsugo siya ng dalawa sa kaniyang mga alagad. At sinabi nila sa kaniya: Ikaw ba yaong paparito, o maghihintay pa kami ng iba?

Sumagot si Jesus sa kanila: Pumaroon kayo kay Juan at ibalita ninyo ang mga bagay na inyong narinig at nakita. Nakakakita na ang mga bulag at nakakalakad na ang mga lumpo. Luminis na ang mga ketongin at nakakarinig na ang mga bingi. Nabuhay ang mga patay at ang ebanghelyo ay ipinangaral na sa mga dukha. Pinagpala ang taong hindi natitisod sa akin.

Pagkaalis nila, nagsimulang magsalita si Jesus sa napakaraming tao patungkol kay Juan. Ano ang nais ninyong makita at lumabas kayo sa ilang? Isa bang tambo na inuuga ng hangin? Sa inyong paglabas, ano ba ang nais ninyong makita? Isang taong nagdadamit ng malambot na kasuotan? Narito, ang mga nagdadamit ng malambot na kasuotan ay nasa mga bahay ng mga hari. Ngunit ano ang nais ninyong makita at lumabas kayo? Isa bang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo: Higit pa sa isang propeta. 10 Ito ay sapagkat siya ang tinutukoy sa isinulat sa mga kasulatan:

Narito, isinusugo ko ang aking sugo na mauuna sa iyo. Siya ang maghahanda ng iyong dara­anan.

11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa lahat nang ipina­nganak ng mga babae, walang lumitaw nang higit na dakila kaysa kay Juan na tagapagbawtismo. Gayunman, ang pina­kamaliit sa paghahari ng langit ay higit na dakila kaysasa kaniya. 12 Ngunit mula sa mga araw ni Juan na tagapag­bawtismo hanggang ngayon, ang paghahari ng langit ay nagbabata ng karahasan. Ito ay inaagaw ng mararahas na tao sa pamamagitan ng dahas. 13 Ito ay sapagkat hanggang kay Juan, ang lahat ng Propeta at ang Kautusan ay naghahayag ng mga bagay na darating. 14 Kung tatanggapin ninyo ito, siya ang Elias na inaasahang paparating na. 15 Ang may pandinig ay makinig.

16 Ngunit saan ko itutulad ang lahing ito? Ito ay katulad ng mga batang nakaupo sa mga pamilihang dako at tinatawag ang kanilang mga kasama. 17 Sinasabi nila:

Tinugtugan namin kayo ng plawta, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagluksa kami ngunit hindi kayo tumangis.

18 Ito ay sapagkat dumating si Juan. Hindi siya kumakain ni umiinom, at sinabi nilang siya ay may demonyo. 19 Dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom. Sinabi nila: Narito ang isang taong matakaw at manginginom ng alak. Isang taong kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan. Ngunit ang karunungan ay pinapaging-matuwid ng kaniyang mga anak.

Kaabahan at Pagpapasalamat

20 Pagkatapos, pinasimulan niyang sumbatan ang mga lungsod na ginawan niya ng maraming himala sapagkat hindi pa rin sila nagsisi.

21 Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Betsaida! Ito ay sapagkat kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, malaon na sana silang nakapagsisi at nagsuot ng magaspang na damit at nagbuhos ng abo sa kanilang sarili. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Lalong madali ang titiisin ng Sidon at Tiro sa araw ng paghuhukom kaysa ng sa inyo. 23 Ikaw naman Capernaum, itinaas ka hanggang sa langit, ibababa ka naman hanggang sa hades. Ito ay sapagkat kung ang mga himalang ginawa sa iyo ay sa Sodoma nangyari, mananatili sana iyon hanggang sa araw na ito. 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Lalong madali ang titiisin ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa ng sa inyo.

Pasasalamat at Paanyaya ni Jesus

25 Nang sandaling iyon, sinabi ni Jesus: O Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, pinasasalamatan kita sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino. Ngunit inihayag mo ang mga ito sa mga sanggol.

26 Gayon nga Ama, sapagkat ito ang nakakalugod sa iyong paningin.

27 Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng mga bagay. Walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama. Gayundin, walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang sinumang ibig pagpahayagan ng Anak.

28 Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. 30 Ito ay sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.

Panginoon ng Sabat

12 Nang panahong iyon, sa araw ng Sabat, naglakad si Jesus sa triguhan. Kasama niya ang kaniyang mga alagad, at sila ay nagutom. Nagsimula silang pumigtal ng uhay ng trigo at kinain nila.

Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kaniya: Narito, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng gawaing labag sa kautusan sa araw ng Sabat.

Ngunit sinabi niya sa kanila: Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong siya at ang kaniyang mga kasama ay nagutom? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na inihandog. Subalit labag sa kautusan na siya at ang mga kasama niya na kumain nito, dahil ito ay para sa mga saserdote lamang. O, hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabat, na ang mga saserdote sa templo ay lumabag sa araw ng Sabat, at hindi sila nagkasala? Ngunit sinasabi ko sa inyo na naririto ang isang lalo pang dakila kaysa sa templo. Ngunit kung alam lamang ninyo kung ano ang kahulugan nito: Habag ang ibig ko at hindi hain, hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Ito ay sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng araw ng Sabat.

Pagkaalis niya roon, pumasok siya sa kanilang sinagoga. 10 Narito, may isang lalaking naroroon na tuyot ang kamay. Tinanong nila siya na sinabi: Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa araw ng Sabat? Tinanong nila siya upang may maiparatang sila sa kaniya.

11 Sinabi niya sa kanila: Kung ang sinuman sa inyo ay may isang tupa at nahulog ito sa malalim na hukay sa araw na Sabat, hindi ba ninyo ito kukunin at iaahon? 12 Ang isang tao ay higit na mahalaga kaysa sa tupa. Kaya naaayon sa kautusan ang gumawa ng mabuti sa araw ng Sabat.

13 Nang magkagayon, sinabi niya sa lalaki: Iunat mo ang iyong kamay. Iniunat niya ito at gumaling ito at naging katulad ng isa. 14 Nang magkagayon, umalis ang mga Fariseo at nagpu­long sila nang laban sa kaniya, kung papaano nila siya papatayin.

Ang Lingkod na Hinirang ng Diyos

15 Ngunit alam ito ni Jesus. At lumayo siya roon. Napakaraming tao ang sumunod sa kaniya at pinagaling niya silang lahat.

16 Ipinagbilin niya sa kanila na huwag nilang ihayag kung sino siya. 17 Ito ay upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias, na sinasabi:

18 Masdan ninyo ang lingkod ko na aking hinirang. Minahal ko siya at labis na kina­lulugdan ng aking kaluluwa. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa kaniya at ihahayag niya ang paghatol sa mga Gentil. 19 Hindi siya makiki­pagtalo o sisigaw man, ni walang makakarinig ng kaniyang tinig sa mga lansangan. 20 Hindi niya babaliin ang gapok na tambo. Hindi rin niya papatayin ang mitsang umuusok, hanggang hindi niya napagtatagumpay ang paghatol. 21 Sa kaniyang pangalan aasa ang mga Gentil.

Paanong Mapapalabas ni Satanas si Satanas?

22 Pagkatapos, dinala nila sa kaniya ang isang inaalihan ng demonyo. Ito ay bulag at pipi. Pinagaling niya ito, at siya ay nakapagsalita at nakakita.

23 Nanggilalas ang lahat ng mga tao na sinabi: Hindi ba ito ang Anak ni David?

24 Ngunit nang marinig ito ng mga Fariseo, sinabi nila:Ang taong ito ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.

25 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang mga kaisipan. Sinabi niya sa kanila: Ang bawat paghaharing nagkakabaha-bahagi sa kaniyang sarili ay mawawasak. Ang bawat lungsod o sambahayan na nagkakabaha-bahagi sa kaniyang sarili ay hindi makakatayo. 26 Kung si Satanas ay nagpapalayas kay Satanas, nahahati siya laban sa kaniyang sarili. Kung gayon, papaano pa makakatayo ang kaniyang paghahari? 27 Kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Kaya nga, sila ang magiging mga tagahatol ninyo. 28 Ngunit yamang ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos.

29 O, paano ba mapapasok ng isang tao ang bahay ng isang malakas na tao at masamsam ang kaniyang mga ari-arian? Hindi ba kailangang gapusin muna niya ang malakas na tao? Pagkatapos, masasamsam na niya ang kaniyang bahay.

30 Ang hindi pumapanig sa akin ay laban sa akin. Ang hindi sumasama sa akin ay mangangalat. 31 Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Lahat ng uri ng kasalanan at pamumusong ay ipatatawad sa mga tao. Ngunit ang pamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi ipatatawad sa mga tao. 32 Ang sinumang mamusong laban sa Anak ng Tao ay ipatatawad sa kaniya. Ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi siya mapapatawad sa kapanahunang ito, maging sa darating pa.

33 Gawin ninyong mabuti ang punong-kahoy at mabuti ang magiging bunga nito. O kaya naman, pasamain ninyo ang punong-kahoy at masama ang magiging bunga nito. Ito ay sapagkat ang punong-kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34 O, kayong anak ng mga ulupong! Papaano kayo makakapagsalita ng mabubuting bagay gayong napa­kasama ninyo? Ito ay sapagkat mula sa kasaganaan ng puso nagsasalita ang bibig. 35 Ang isang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kaya­manan ng kaniyang puso. Ang masamang tao ay kumukuha ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso. 36 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Sa bawat salitang walang kabuluhan na sabihin ng mga tao, magbibigay-sulit nga sila sa araw ng paghuhukom. 37 Ito ay sapagkat sa iyong mga salita ikaw ay mapapaging-matuwid, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

Si Jonas Bilang Isang Tanda

38 Nang magkagayon, ang ilan sa mga guro ng kautusan at mga Fariseo ay sumagot sa kaniya: Ibig naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.

39 Ngunit sinabi niya sa kanila: Kayo ay isang lahing masama at mapangalunya. Mahigpit kayong naghahangad ng isang tanda. Walang tanda na ibibigay sa inyo kundi ang tanda ni Jonas na propeta. 40 Ito ay sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao. Siya ay pupunta sa kailaliman ng lupa sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. 41 Ang mga lalaki sa Nineve ay titindig sa araw ng paghuhukom na kasama ng lahing ito. Sila ang hahatol sa lahing ito sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Jonas. 42 Ang Reyna ng Timog ay titindig sa araw ng paghuhukom kasama ng lahing ito. Siya ang hahatol sa lahing ito sapagkat nanggaling pa siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon.

43 Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan. 44 Kaya sasabihin niya: Babalik ako sa bahay na pinanggalingan ko. At sa pagbalik niya, matatagpuan niya itong walang laman, nawalisan at nagayakan na. 45 Kung magkagayon, paroroon siya at magsasama ng pito pang espiritu,[a] na higit pang masama kaysa sa kaniya. Papasok sila roon at doon maninirahan. Kaya ang sasapitin ng lalaking iyon ay masahol pa kaysa rati. Gayundin naman ang mangyayari sa masamang lahing ito.

Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus

46 Samantalang nagsasalita pa siya sa mga tao, narito, ang kaniyang ina at kaniyang mga nakakabatang kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas. Ibig nila siyang makausap.

47 At may nagsabi sa kaniya: Narito ang iyong ina at iyong mga nakakabatang kapatid na lalaki, na nakatayo sa labas. Ibig ka nilang makausap.

48 Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya: Sino ang aking ina at sino ang aking mga kapatid na lalaki? 49 Iniunat niya ang kani­yang kamay at itinuro ang kaniyang mga alagad na sinabi: Narito ang aking ina at mga kapatid na lalaki. 50 Ito ay sapagkat ang sinumang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ay siyang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.

Footnotes

  1. Mateo 12:45 O demonyo.

Si Jesus na nakakaalam ng kanilang mga iniisip ay nagsabi: Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso? Ito ay sapagkat alin ba ang higit na madali, ang sabihin: Ang kasalanan mo ay pinatawad na, o ang sabihin: Bumangon ka at lumakad? Ginawa ko ito upang inyong malaman na ako, ang Anak ng Tao ay may kapamahalaang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa. At sasabihin ko sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan. Umuwi ka na sa bahay ninyo.