Font Size
Mateo 8:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 8:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gadarenong Pinalaya sa Pang-aalipin ng mga Demonyo(A)
28 Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno,[a] sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon. 29 Biglang nagsisigaw ang dalawang lalaki, “Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami kahit hindi pa panahon?” 30 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain.
Read full chapterFootnotes
- 28 Gadareno: Sa ibang manuskrito'y Geraseno, at sa iba pa'y Gergeseno .